top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hunyo 09, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 9, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 09, 2023



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 9, 2023 (Biyernes): Buo ang iyong loob kaya malaki ang tsansang makuha mo ang iyong pinapangarap. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito. Gawin mo kung ano ang iyong gusto. Huwag kang mag-alala, dahil aayon sa iyo ang mga pangyayari. Ito ang mensahe sa iyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-16-29-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mag-alinlangan, hindi ka puwedeng masingitan ng pangamba dahil abot-kamay mo na ngayon ang iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-17-23-38-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng nais tumulong sa iyo, upang ‘di na maulit ang nangyari noon na imbes tulungan ka ay ikaw pa mismo ang tumulong. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-21-25-28-30.

CANCER (June 21-July 22) - Kahit pa ika'y natatakot at nangangamba, ituloy mo lang ang iyong plano. Ang mga pag-aalala mo ay matutulad lang sa mga multo na hindi naman mga totoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-25-27-34-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ang papel mo rito sa mundo ay ang magbigay ng sigla at lakas sa mga mahihina. Ang langit na mismo ang magbibigay sa iyo ng gantimpala at mga biyaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-29-31-37-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maging matapang ka upang hindi na maulit ang nakaraan na halos hindi umuusad ang iyong buhay. Ito ang payo ng iyong kapalaran na kailangan mong pakinggan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-15-27-33-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na inilaan sa iyo. Mga malalaking tulong kung saan-saan ang iyong mararanasan. Sunggab lang nang sunggab at ‘wag tatanggi. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-10-11-14-29-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isip ang magiging gabay mo sa iyong pangarap. Kahit anong bulong ng iyong damdamin, ‘wag mo itong papansinin. Ito ang mensahe sa iyo para sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-21-29-30-37-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tama ang iyong pakiramdam ngayon, kailangan mong itodo ang iyong kakayahan, dahil mahina ngayon ang iyong mga karibal at kalaban. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-22-28-35-29-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong paniwalaan ang sinasabi nilang wala kang mararating, dahil tiyak na maabot mo ang iyong mga pinapangarap sa buhay. Tiwala lang sa sarili ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-15-26-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iba’t ibang paraan ang maiisip mo, pero sa totoo lang, lahat ng ito puwedeng makatulong sa pangarap mo, ‘wag ng mag-isip pa! Gawin mo na agad ang iyong naiisip, ngayon na! Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto -1-18-23-24-26-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Muli, hindi mo kailangan ang ibang tao para umunlad ang iyong buhay, pero ikaw kailangan ka nila para sila ay umasenso. Huwag magpauto, sa halip ay magpabayad ka ng malaking halaga. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-27-30-35-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page