top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hunyo 08, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 8, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 08, 2023



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 8, 2023 (Huwebes): Lahat ng madidikit sa iyo ay susuwertehin. Binubuwenas sila dahil sa iyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malalaking suwerte ang magdadatingan sa iyo. Kailangan mo lamang maging matatag upang hindi ito masayang. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-25-29-34-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka tumigil sa pagpapaunlad, kahit pa na dumadaan ka sa mabibigat na suliranin. Makakaasa ka na ang mga ito ay iyong malalagpasan. Tiwala lang sa sarili ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-21-24-39-40-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Marami ang sasalungat sa mga kagustuhan mo dahil aakalain nila na ‘di mo maisasakatuparan ang iyong pangarap, ngunit silang lahat ay tiyak na mapapahiya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-14-16-23-26-33.

CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na kung saan ay may matatanaw kang madidilim na ulap sa iyong kapalaran, makikita mo rin at aktuwal mo na mararanasan ang paggaan ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-28-30-31-32-38.

LEO (July 23-Aug. 22) -Huwag mong itapon ang akala mo ay sobra. Ang mga ito ay inilaan ng langit para sa iyong kinabukasan. Kaya mahalin at pahalagahan mo ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-20-22-34-39-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lihim kang matuwa ‘pag nakaramdam ka nang mabigat sa iyong mga plano, dahil ito ang senyales na magtutuluy-tuloy na ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-21-28-29-33-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kakaiba ang iyong pananaw ngayon. Ang nakakatuwa ay hahangaan at huhuwaran ka nila sa pagiging kakaiba mo sa lahat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-20-25-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdaratingan ang mga aalalay sa iyong buhay. Panatilihin mo ang pagiging palakaibigan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-29-30-31-38-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iwanan mo na ang iyong mga karibal, upang magpatuloy pa rin sa iyo ang dating ng magagandang bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-22-27-28-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Alam mo ba ang iyong dapat gawin kapag dumarating sa tao ang kanyang natatangi at masuwerteng araw? Ito ang kailangang alamin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-24-25-36-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ang mga patalo at kontrabida sa buhay mo ay magkasingkahulugan kaya ‘wag katakutan ang mga lalaban sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-20-28-30-31-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung mabigo ka man, huwag kang magdamdam, dahil ang kabiguan ay ang susi sa tagumpay. Ito ang ibaon mo sa iyong isip at huwag mong kalilimutan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-26-27-33-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page