top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hunyo 07, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 7, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 07, 2023




Sa may kaarawan ngayong Hunyo 7, 2023 (Miyerkules): Simula nang ika'y isilang mayroon ka ng malikhaing kaisipan. Ibig sabihin, anumang mabuo sa iyong isipan ay maaaring magkatotoo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadayain mo ang iyong sarili ngayon. Hindi ka maniniwala kahit na sapat pa ang mga dahilan na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-15-19-20-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mag-ingat ka sa mga taong sobrang mahaba kung magkuwento. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-21-25-27-36-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mo kailangan ang tulong mula sa iba. Sapat na ang kakayahan at karanasan mo upang magawa ng maayos at mabilis anumang naisin mong gawin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-18-25-28-35-42.

CANCER (June 21-July 22) - Gagabayan ka ng iyong pakiramdam. Madarama mo na may ‘di magandang motibo ang makakaharap mo. Umiwas ka agad upang hindi ka maisahan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-17-21-25-29-30.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ebidensya ang iyong paniwalaan. Hindi ang mga kuwentong walang katibayan, dahil marami ang nasisira ang buhay dito. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-25-30-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ito ang araw na kung kailan ay magbabalik sa isip mo ang magagandang ideya. Huwag mong sayangin ang pagkakataon ito, pumili ka ng kahit isa para umunlad ka pa nang umunlad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-11-14-23-28-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipadama mo na mahalaga sa iyo ang taong nasa malayo. Bilang pasasalamat, ipadadama naman niya na ikaw ay espesyal. ‘Yan ang masarap na karanasang mararanasan mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-22-25-27-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ka, iyon mismo ang iyong ipakita. Hindi kailanman lumiligaya ang taong may itinatago. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto -25-28-31-32-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unahin mo ang iyong pangarap. Hindi ka dapat maligaw sa mga bagay na walang kaugnayan sa pagpapaunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-20-22-25-28.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng ideya sa mga nagtagumpay na. Sa ganito paraan, maiiwasan mo ang kabiguan. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-20-23-30-33-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong habulin ang mga lumalayo. Makikita mong may darating sa buhay mo na halos sabay-sabay na maaari kang makapili ng bagay sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-24-26-35-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon! Alam mo kung sino ang ang mamalasin? Walang iba kundi ang mga kontra-bida sa buhay mo at mga ‘di naniniwala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-17-29-30-32-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page