top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hunyo 06, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 6, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| June 06, 2023



Sa may kaarawan ngayong Hunyo 6, 2023 (Martes): Kung ano ang maganda, iyon ang para sa iyo. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kusang mawawala ang iyong problema. Ibig sabihin, gaganda na ang takbo ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-26-30-32.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nabubuwal ang mahihina at ang malalakas ay nanatiling nakatayo. Magpasalamat sa nasa itaas dahil pinapalakas at pinagtitibay ka ng mga pagsubok. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-25-28-35-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpapaakit, matuto ka sa nakaraan. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-10-14-21-27-33.

CANCER (June 21-July 22) - Sumisingit ang ilang hindi magandang katangian na iyong taglay. Muli mo itong kontrolin para magtuluy-tuloy ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-21-25-27-34-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) – Hindi ka ngayon matatalo ng mga lihim mong kaaway, dahil malakas ang daloy ng suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-24-25-28-31-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamit ang talas ng iyong isip at lakas ng pakiramdam, upang maagapan mo ang banta ng mga negatibong puwersa na puwedeng magpabagsak sa iyo. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-19-20-21-26.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sabihin mo kung ano ang iyong gusto at iyon ang hilingin mo sa itaas. Kapag ganito ang iyong ginawa, tiyak ang mangyayari, darating ang mga suwerte at buwenas sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-17-23-25-30-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, manindigan ka sa kung ano ang tama, kahit na may ilang galit sa iyo, dahil sa huli ay mauunawaan ka rin nila sa puntong ipinaglalaban mo. Masuwerteng kulay- purple. Tips sa lotto-12-22-23-33-38-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag may nadiskubre kang lihim panatilihing mong lihim, at maghintay ka ng tamang panahon bago mo ibisto. Ito ang pinakamagandang gawin ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-17-22-29-30-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dagdagan mo ang mga kulang at bigyan mo rin ang wala. Mag-ingat ka, dahil hindi dinagdagan ang hindi kulang at hindi rin dapat bigyan ang mayroon na. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto- 18-25-27-36-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pilitin ang iyong sarili sa mga bagay na hindi naman talaga para sa iyo. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-16-25-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - May suwerteng darating sa iyo at puwede kang mamigay pero kung may pangangailangan ka pa, hindi mo rapat ilagay ang iyong sarili sa alanganin. Tandaan mo malayo pa ang Pasko at hindi ka si Santa Claus. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-21-28-30-31-39-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page