Horoscope | Hulyo 9, 2023 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 9, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 9, 2023 (Linggo): Para sa iyo ang tagumpay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Mahalin at pahalagahan mo ang mga biyaya at pagpapalang napapasakamay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-20-26-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilabas mo ang iyong tapang, upang makita mo ang mga suwerteng dumadapo sa iyo. Ang mga suwerte ay naaakit sa mga taong matapang at buo ang loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-21-26-31-35-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong katakutan ang nagtatapang-tapangan. Mas magandang magkunwaring pinaniniwalaan mo siya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-24-26-39-40-45.
CANCER (June 21-July 22) - Lalakas ang iyong loob, hindi ka na papayag na lagi ka na lang mahina. Dahil dito, ang magandang kapalaran ay magdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-19-28-30-33-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit may kailangan ka pa, mamigay ka. Kahit ikaw mismo ay kapos, tumulong ka. Sa ganitong paraan, hahanga sa iyo ang langit, at ikaw ay pagpapalain sa mahabang panahon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-14-28-24-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghanap ka at makakakita ka. Ito ang banal na pangako ng langit. Ang hindi naghahanap, walang pag-asa pa na makakita. Para sa iyo, mas magandang sundin mo ang nasabing banal na utos. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-17-28-30-31-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang ayaw mo, iyon ang mangyayari. Magkaganunman, matutuklasan mo na ang ayaw mo ang higit pang makakabuti kaysa sa ninanais mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-25-26-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang unang pasya mo iyon na ang ituloy mo. Huwag mo ng pahalagahan ang ibang bagay na papasok sa ulo mo kahit na ang mga ito sa biglang tingin ay mas maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-15-22-28-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang aatras. Ang landas ng buhay na iyong tinatahak ay may mga sagabal at hadlang pero ang mga ito ay kayang-kaya mong malagpasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-19-23-28-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bumunot ka sa matagal munang inihanda para sa pagsisimula ng bagong pagkakakitaan. Ngayon ang tamang panahon para sa iyong pagpapayaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-19-29-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magkunwari kang mahina para mailto ang iyong mga karibal. Sa ganitong paraan, lihim mong maisusulong ang iyong gustong mangyari. Ito ang mensehe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-20-22-27-29.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang hakbang paatras, dalawang hakbang pasulong sa ganitong paraan mo makukuha ang iyong pinakamalalaking pangarap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-17-20-24-26-35.




Comments