top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 8, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 8, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 8, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 8, 2023 (Sabado): Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo kaya pinatitibay at pinatatag ka ng iyong kapalaran upang 'di masayang ang mga ito.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong katakutan ang inaakala mong madilim na kapalaran. Ang dilim ay nasa isip mo lang, pero kapag sumugod ka, magugulat ka dahil magliliwanag ang buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-29-36-38-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka dahil sa bawat pagkilos mo may buwenas na nakalaan. Gumalaw ka dahil sa bawat paggalaw mo, aabante ang buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-24-31-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Magplano ka at gawin mo agad ito, dahil ngayong araw bubunga ang iyong pinaghirapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-2-29-30-38.

CANCER (June 21-July 22) - Diligin mo ang iyong pangarap ng sipag. Mahalin mo ito tulad ng pagmamahal mo sa magagandang alahas mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-24-32-35-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag nahirapan ka huminto ka muna, kapag nabigatan ka, tumigil ka muna. Sa ganito paraan, mananariwa sa iyo ang suwerteng matagal ng inilaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-29-33-38-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpatalo sa negatibong kaisipan na naglalabas-masok sa isip mo. Isabuhay mo ang pagkilos na walang kinatatakutan. Ito ang susi para sa iyong tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-16-17-27-28-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong tanggihan ang oportunidad na inaalok sa iyo na may kinalaman sa iyong trabaho. Ngayon na ang pagkakataon mo upang ika'y umunlad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-9-14-15-23-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Parang pinaghaharian ka ng karuwagan. Magbalik-tanaw ka sa nakaraan na kung kailan may malaking pagsubok kang nalagpasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-17-20-25-8-42-46.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madadagdagan ang iyong responsibilidad, gayunman lahat ng iyong naisin ay ipagkakaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-16-21-26-27-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyo ang mga araw sa kasalukuyan. Kumilos ka upang ika'y suwertehin, pero sa totoo lang kahit na hindi ka kumilos kusang lalapit sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-28-30-36-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dumikit ka sa masayahin, upang ika'y buwenasin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-13-29-33-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Kailangan mong lumayo upang magbalik ang mga araw na kung saan ay buwenas na buwenas ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-21-25-36-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page