top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hulyo 7, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 7, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 7, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 7, 2023 (Biyernes): Hihilahin ka ng iyong paa papunta sa malalayong lugar na kung saan mahahanap mo ang iyong suwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumalawak ang sakop ng iyong isip. Malinaw na senyales ito na lalawak din ang mundo at impluwensya mo sa ibang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-24-30-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) -Marami kang matututunan sa iyong pakikinig. Gamitin mo ito sa pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang malito, marami kang puwede pagpilian na pormula ng tagumpay. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-19-25-26-31-36-45.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag ka agad maniniwala sa magagandang panukala. Ang mga pandaraya ay nakakubli sa nakakamanghang mga bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-27-39-40-41.


LEO (July 23-Aug. 22) -Nakakasilaw ang kislap ng mga alahas. Nakakabulag ang liwanag. Ingatan mong masilaw at mabulag sa mga pangakong mula sa bibig ng mga mapagsamantala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-18-26-34-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sobra ka kung mag-isip ngayon, dahil dito ay lalagpas ka sa mundo ng reyalidad. Binabalaan ka na maaaring ikaw mismo ang dumaya sa sarili mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-24-34-39-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang maghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Huwag kang maguluhan, hayaan mo silang

magkagulo sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-21-23-33-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hawakan mong mahigpit ang iyong sarili. Huwag mong papasukin ang mga ideya kahit ito pa ay maganda. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-19-20-24-25-33-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lawakan mo ang iyong isip. Malawak ang mundo, ang tinatamasa mong magandang kalagayan ay maaari pang gumanda. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-17-23-30-38-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) -Huwag kang maniwala sa iba. Maniwala ka sa iyong sarili at sa mga taong iyong pinagkakatiwalaan. Naglipana na ngayon ang mga mandaraya na naghahanap ng kanilang mabibiktima. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-21-26-37-30.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na sobrang ikagugulat mo. Aakalain mong hindi mangyayari ang inaasahan mo, ngunit higit pa sa inaasahan mong suwerte ang darating sa iyo - mas bulto, bongga at marami pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-25-32-38-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malakas ngayon ang iyong imahinasyon. Puwede mo itong magamit sa pagpapaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-25-28-36-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page