top of page
TALKIES - JOEY KAY ALLAN DU’N KA NA SA IT’S SHOWTIME-IG _angpoetnyo & _allan_klownz.jpg

Horoscope | Hulyo 6, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 22 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 6, 2026



Horoscope


SAa may kaarawan ngayong Hulyo 6, 2026 (Lunes): Kumikilos ang iyong kapalaran para mas gumanda ang iyong buhay. Minsan, nahahadlangan lang ito, dahil iba ang napipili mong direksyon at pinatutunguhan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahirap tanggapin ang payo na huwag piliin ang maganda sa paningin. Gayunman, puwede mo itong hindi sundin dahil kapag nahihirapan ang isang tao, mas nagugulo ang kanyang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-19-26-28-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pinagaganda ng langit ang iyong kapalaran dahil may natagpuang ilang bagay na sisira sa iyong pangarap. Ayusin mo ang mga ito para magtuluy-tuloy na ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-13-25-33-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang aatras sa hamon ng kapalaran na nasa iyong harapan. Tinitingnan lang naman ng langit kung ikaw ay palaban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-14-28-30-35.


CANCER (June 21-July 22) - Pinagbibigyan ang makukulit, kaya gawan mo ng paraan para hindi na sila makaistorbo pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-18-21-27-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lantad na lantad ngayon ang malakas mong karisma. Magkagayunman, ang may malakas na karisma ay kinaiinggitan, kaya ang payo para sa iyo ay mag-ingat at maging alisto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-22-24-39-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malakas na pang-akit ang katalinuhan ng isang tao. Kaya mas malakas ka kaysa kahit na sino, dahil ang mga nasa paligid mo ay maaakit sa kakaibang talas ng iyong isip. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-26-38-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipatupad mo ngayon ang matagal mo nang plano. Makakaasa ka na mabilis, maluwag, at madali mo itong magagawa nang hindi namamalayan ng mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-20-23-29-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Madalas, walang napapala ang naghahangad ng malaking halaga. Huwag kang tumulad sa kanila, bagkus magsimula ka muna sa maliliit nang sa gayun ay mapasaiyo ang kaunlaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-28-31-37-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumilipas ang lahat ng bagay sa mundo, kaya huwag kang magtaka kung bakit kumukupas ang iyong sigla at ganda. Ang payo ay nagsasabing maghanap ng bagong inspirasyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-24-26-39-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hawak mo ngayon ang malakas na sandata ng kapalaran na ang pangalan ay Tapang at Lakas ng Kalooban. Gamitin mo upang mapasaiyo ang gustung-gusto mong makamit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-12-19-23-35-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo nang habulin pa ang lumayo na. Nakalimutan mo na ba na ang mga umalis sa buhay mo ay muling nagsisibalik at nagsisisuko uli sa iyo? Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-16-20-25-30-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pahirapan ang sarili mo dahil lang sa mga problema. Magsaya ka, ngitian ang iyong sarili, at maglibang. Ang buhay ay tatakbo nang normal kahit pa dumaan ka sa baku-bakong landas ng mga suliranin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-22-27-34-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page