- BULGAR
Horoscope | Hulyo 6, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 6, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 6, 2022 (Miyerkules): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ikaw ay may magandang kapalaran kahit marami kang magawang pagkakamali sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka nang masigla at ang kapalaran mo ay gaganda. Kumilos ka na nananamlay at ang iyong kapalaran ay mananamlay din. Ito ang mensahe para sa iyo. Gawin mo itong gabay sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-24-28-34-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, ‘yun ang sundin mo. Huwag kang makinig sa payo na kapag maganda sa tingin ay huwag piliin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-10-11-17-23-37-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Bibigyan ka ng langit ng kaluwagan. Samantalahin mo ito nang mabilis kang makaahon sa dinadanas na kahirapan. Ito na ang pagkakataon para umayos ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-21-27-32-33.
CANCER (June 21-July 22) - Ibalik mo ang magandang pananaw kung kailan wala kang iniisip kundi ang iyong mga pangarap. Kapag maganda ang pananaw, ang pangyayari ay gaganda rin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-29-36-37-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magkakatotoo sa buhay mo na kahit makakapal at madidilim ang mga ulap sa kapalaran ng isang tao, siya ay may nakikita pa ring ginintuang liwanag ng pag-asa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-14-25-32-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag lumaban sa hamon ng kapalaran, ang tao ay nananalo. Dahil ang talo ay ang ayaw na makipaglaban at umaatras sa laban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-19-20-24-34-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sumikat ang bituin sa dilim. Ngayon ka nakakaranas ng mabibigat na pagsubok, kaya lalabas ang tunay mong galing. Dahil dito, masasaksihan mo ang magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-18-28-30-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Balikan mo ang iyong plano, isaayos at itugma mo ito sa mga kasalukuyan mong nararanasan. Hindi mo dapat patigasin ang iyong pasya dahil sa buhay ng tao, maganda ang may nagbabago. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-15-23-31-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pinupunan ang may kulang at binabawasan ang sobra. Kaya bawasan mo ang iyong kalabisan at dagdagan mo ang iyong magagandang katangian. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-21-24-28-30-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mamahinga ka. Namamahinga ang masisipag para muling ituloy ang kasipagan. Ang walang pahinga, kahit kailan ay hindi maganda. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-16-23-37-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matibay at matatag ang bahay na hindi nakatayo sa malambot na lupa. Bilang pagtatapat sa iyo, kailangan mo rin ang matibay at matatag na paninindigan ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-17-20-21-24-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bumili ka ngayon ng bagong gamit kahit munting gamit lang. Ito ang magsisilbing pampabuwenas mo nang sa gayun ay magdatingan sa buhay mo ang magagandang bagay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-19-22-27-30-35-42.