top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hulyo 5, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 5, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 5, 2023 (Miyerkules): Negosyo ang para sa iyo. Ito ang tunay na dahilan kung bakit hindi ka nagtatagal sa iyong pinapasukang trabaho.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Bilisan mo ang pagpapasya at bilisan mo rin ang pagkilos mo. Muli, ito ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-20-24-35-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muli, ipinaalala sa iyo na ang pag-aalinlangan ay ang pinakamahigit mong kalaban. Talunin mo muna ito bago ka mag-isip ng iba pang gagawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-26-29-35-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Malalaking suwerte ang nag-aabang sa iyo, kaya hindi ka puwedeng huminto. Magpalakas ka at muli mong tahakin ang landas ng iyong buhay papunta sa pagyaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-22-26-34-37.

CANCER (June 21-July 22) - Dagdag-aral ang iyong kailangan sa negosyong nais mong simulan. Huwag kang tumulad sa iba na lakas lang ng loob ang mayroon. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-14-16-22-24-43-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Umuusbong ang nakabaong buto sa halaman. Katulad ng halaman, kaya mo rin lumabas mula sa kawalang pagkilos at ipakita ang iyong magandang kakayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-25-28-30-31.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit minamaliit mo ang iyong sarili? Hindi totoong mahina ka. Ang totoo, kapag kumilos ka nang kumilos ayon sa ambisyon mo, tiyak na magtatagumpay ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang nais gawin kang bahagi ng kanilang buhay. Marami rin ang naghahangad na maging inpirasyon ka nila para sa kanilang pangarap. Lahat sila puwede mong pakinabangan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-19-21-28-33.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdagdag ka ng puhunan kapag napansin mong maganda ang kita ng iyong hanap-buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-11-14-16-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dapat mong maunawaan na ‘di lahat ng tukso ay para sa pakikipagrelasyon. Tukso rin ang paglipat sa ibang trabaho. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-20-24-27-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sundin mo ang unang pasya mo. Ang pagpapalit ng desisyon ay hindi makakabuti para sa iyo. Kaya kung ano ang una mong naisip, iyon na at huwag ng baguhin pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-19-25-27-38-44.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit papansinin mo ang mga kinaiinisan

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page