Horoscope | Hulyo 4, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 4, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 4, 2023 (Martes): Ito ang taon na naitala sa aklat ng iyong kasaysayan na maraming oportunidad ang magdaratingan sa iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo ang iyong ambisyon, kahit na makaranas ka pa ng suliranin. Mas matamis ang tagumpay na nagdaan sa mga pagsubok. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-20-39-41-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong palagpasin ang mga oportunidad sa iyong harapan. Ngayon ang pagkakataon mo upang mapalapit ka sa pinapangarap mong pagyaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-27-31-38-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Tulad ng mga ilaw, ang buhay mo ngayon ay magliliwanag. Ang mga kinatatakutan mo ay maglalaho na para bang tinatangay ng malakas na hangin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-20-24-30-34.
CANCER (June 21-July 22) - Narito ang pampasuwerte mo ngayong tag-ulan. Bagong basong inuman at lalagyan ng tubig na iyong iinumin. Subukan mo ito at magugulat ka, dahil magiging bago ang lahat para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-29-30-36-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit may ilang sumamantala sa kabutihan mo, huwag kang magbabago. Dahil ang tunay na dahilan kung bakit mas masuwerte ka kaysa sa ibang mga nilalang ay dahil sa kabaitan mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-28-33-34-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng kislap ang buhay mo at makikita mo, magkikislapan din ang magagandang oportunidad para sa iyo. Ang tinatawag na kislap ng buhay ay ang biro, harot at masasayang kuwentuhan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-22-28-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susuwertehin ka ngayon sa pagsusuot ng mga napapanahong damit. Kaya mas maganda kung ang isususot mo ngayon ay ang uso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-21-25-30-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag ka agad maniniwala sa mga sinasabing mabilis kang yayaman o kikita ng malalaki na hindi ka gaanong mahihirapan, dahil wala itong katotohanan. Ang kailangan mo ngayon ay magsikap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-23-27-35-39-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong kaligtaan ang payo na dapat na nakasayad ang mga paa sa lupa ng mga taong umaasenso at nagsisiyaman. Ikaw ay mapapabilang sa kanila kaya ang payo ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-27-32-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gusto mo bang magtuluy-tuloy ang mga suwerte sa buhay? Huwag mong kalimutan na kailangan mo ring magbigay sa kapwa mo ng mga biyayang iyong nararanasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-26-34-38-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot at gumamit ka ng mga palawit at nakabiting bagay sa iyong bahay, dahil ngayon bagong taon, ang mga ito ang pinakamabisang pampabuwenas mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-18-23-25-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakagulat pero dapat ngayong tag-ulan, bago ang iyong susuoting sandals at tsinelas. Ito ngayon ang iyong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-28-36-38-40-45.




Comments