Horoscope | Hulyo 31, 2026 Biyernes)
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 31, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 31, 2026 (Biyernes): Naghihintay sa iyo ang malalaking suwerte, kaya hindi ka puwedeng huminto sa pakikipagsapalaran. Ito ang ipinahihiwatig ng araw ng iyong kapanganakan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang matakot sa mga nakakaharap mong pagsubok. Ang mga pagsubok na inilalantad ng langit ay kusa ring mawawala kapag nagpakita ka ng tapang at katatagan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-18-20-26-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magtataka ka sa iyong kapalaran, at hindi mo lubos aakalaing susuwertehin ka ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-21-24-36-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit ilang beses pang madapa ang isang tao, dapat tumayo pa rin siya nang tumayo. Tulad mo, muli kang babangon mula sa iyong mga kabiguan at muling makikitang gumaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-17-23-31-45.
CANCER (June 21-July 22) - Ang suwerte mo ngayon ay nasa taong mahirap kausap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-17-20-22-28-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag may gumawa sa iyo ng hindi mabuti, huwag mo itong intindihin, lalo na’t mapapasaiyo pa rin naman ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-8-12-25-30-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paikut-ikot lamang ang tao sa sarili niyang mundo. Sa muling pag-ikot ng iyong kapalaran, ang nakatutuwa at nagbibigay-saya na mga suwerte ay guguhit na sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-16-26-29-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inaayos ng kapalaran ang buhay ng bawat tao. Tulad mo, kusa nitong aayusin ang iyong buhay. Sa prosesong ito, may mga bagay kang aakalaing hindi maganda, ngunit ang lahat ay para din naman sa ikabubuti mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-18-22-38-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang mga taong ayaw naman sumunod. Sa ibang araw, magugulat ka dahil siya na mismo ang kusang susunod sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-25-27-32-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bawat salita ay may kapangyarihan. Kaya ang payo sa iyo ay pag-ingatan mong magsalita ng hindi maganda, dahil malaki ang posibilidad na lahat ng sabihin mo ay magkatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-13-24-30-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim kang ngumiti kapag may gumawa sa iyo ng mali, at lihim ka namang tumawa kapag siniraan ka, dahil ang ganitong ugali ang isa sa mga kondisyon upang mapasaiyo ang malaking suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-10-16-20-23-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makipagsapalaran ka para manalo ka. Sa ganitong paraan, bubuhos ang mga suwerte sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-19-21-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo kailangang pumunta sa malalayo. Sapat nang balik-balikan mo ang matatamis na sandaling pinagsaluhan ninyo ng taong nasa malayo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-12-25-28-33-42.



Comments