Horoscope | Hulyo 31, 2025 (Huwebes)
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 31, 2025

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 31, 2025 (Huwebes): Malalaking suwerte ang inilaan sa iyo ng kapalaran. Kaya kailangan mong maging matatag ngayon upang ‘di masayang ang mga suwerteng darating sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isang hakbang paatras, at dalawang hakbang pasulong. Sa ganitong paraan, mas mabilis kang uunlad. Kaya dapat kang sumulong nang sumulong upang magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-23-29-31-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang panahon para muli mong sulyapan ang mga naiplano mo. Ang ganitong sistema ay para maitugma mo ang mga bagong kaganapan sa iyong mga hakbang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-18-22-24-33-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Magdahan-dahan ka. Hindi ngayon ang tamang oras para sumugod nang sumugod. Kapag nakinig ka ngayon, posible kang makaiwas sa kapahamakan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-27-30-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbababala ang mga araw na ito na tatalunin ka ng kalungkutan, dahil na rin sa mali mong pananaw sa buhay. Ang payo ay nagsasabing makipag-ugnayan ka sa mga malalapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-15-26-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Umiwas ka sa anumang klase ng debate, dahil posibleng malipat sa mga katunggali mo ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-20-25-34-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap paniwalaan, pero kailangan mong malaman na kapag nagkaroon ka ng katahimikan, muling papasok sa isip mo ang mga naggagandahang pormula na magpapayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-19-24-27-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo puwedeng ipatupad agad ang mga naiisip mo. Oo nga’t makakaganda ito sa buhay mo, subalit hindi pa ngayon ang tamang panahon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-16-21-30-35-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na ang mga bagong naiisip mo ngayon ay puwedeng maging daan upang umunlad ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-14-29-34-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mo nang pag-ukulan pa ng pansin ang mga bagay at taong wala na. Ito ang tandaan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-28-31-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ilayo mo ang sarili mo sa sitwasyong alam mong maiipit ka. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-13-21-24-38-35-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaibang pormula ng kapalaran ang kailangan mong gawin ngayon. Galitin at asarin mo ang mga malalapit sa iyo para malipat sa iyo ang kanilang suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-28-37-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palihim at dahan-dahan kang kumilos para umunlad ang buhay mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-11-16-29-34-44.
Comments