Horoscope | Hulyo 30, 2026 Huwebes)
- BULGAR

- 3 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 30, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 30, 2026 (Huwebes): Negosyo ang magpapayaman sa iyo. Kaya ano pang hinihintay mo? Magnegosyo ka na!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Bilis ng isip at kilos ang susi para makuha mo ang gusto mo. Kaya huwag ka nang magbagal at mag-alinlangan pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-27-29-36-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Paminsan-minsan, maganda ring dedmahin ang isip, at sundin ang bulong ng damdamin. Sa ganitong paraan, mapapasaiyo ang tunay na kaligayahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-19-28-37-39.
GEMINI (May 21-June 20) – Huwag kang umasa sa kahit na sino. Sa katunayan, wala ka rin namang maaasahan mula sa kanila. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-12-17-29-33-43.
CANCER (June 21-July 22) – Ngayong alam mo na ang kahalagahan ng may naitatabi at naiipon. Muli mong isabuhay ang pag-iipon, dahil ito ang magliligtas sa iyo sa kahirapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-19-23-31-45.
LEO (July 23-Aug. 22) – Dati mo nang nakayanan ang manatili sa loob ng bahay. Kaya ipagpatuloy mo lang ang iyong leave na puno ng pagninilay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-18-27-36-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Sukatin mo ang iyong kakayahan at maging tapat ka sa sarili mo. Sa ganitong paraan, dahil alam mo na ang iyong talento at kakayahan, mas mabilis kang uunlad at aasenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-9-14-20-25-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Kahit may lungkot ka sa iyong sarili, pasayahin mo pa rin ang mga mahal mo sa buhay, lalo na’t mahina at hindi nila kayang mabuhay nang matagal na walang saya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-16-21-26-30-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Hindi namamatay ang ningas ng pag-asa, at ang dilim ay naglalaho rin at napapalitan ng masayang liwanag. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-17-27-29-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Marami ang magpapahiram sa iyo. Sapat nang dahilan ito upang magpasalamat sa Itaas. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-11-25-29-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Kumuha ka ng inspirasyon sa mga taong marunong magsumikap. Gawin mo silang huwaran, at sa huli, ikaw naman ang magiging huwaran at titingalain. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-17-23-36-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Biglang babagal ang mabilis na takbo ng iyong buhay. Ngunit muli rin itong bibilis, dahil sunud-sunod at pila-pilang maliliit at malalaking suwerte ang biglang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-20-24-29-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Gamitin mo ang iyong imahinasyon sa pagbuo ng mga planong isasagawa mo kapag nakahawak ka na ng milyon at dambuhalang halaga ng salapi. Sa ganitong paraan, matitiyak ang iyong mabilis na pagyaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-21-37-39-43..

%20-%20JAMES%2C%20NAWALAN%20NG%20P150%20M%20DAHIL%20SA%20TIWALA%20SA%20KASOSYO%20SA%20NEGOSYO-IG%20_.jpg)

Comments