Horoscope | Hulyo 3, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 3, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 3, 2O23 (Lunes): Magkakaroon ng katuparan ang mga ambisyon mo sa buhay. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ibigay mo kung ano ang kaya mo. Ang langit ay kikilos para makuha mo ang gusto mo. Noon pa man inaalalayan ka na ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-13-29-26-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Itabi mo para sa iyong kinabukasan ang ilang mga biyayang mapapasaiyo. Gawin mo ito tuwing bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-18-20-21-24.
GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ‘yung hindi ka na mahihirapan, sasaya ka pa. Sa ganitong paraan, mas mapapabilis ang iyong pag-unlad dahil kapag masaya ka, mas dumarami ang iyong mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-15-17-20-26.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang matakot na makipagsapalaran sa negosyo. Simple lang naman nito, ikaw mismo ang magpapaktabo kaya huwag kang susuko. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-27-28-30-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magpakababa ka, dahil sa pagiging mababa ang mga suwerte ay dadaloy sa buhay mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-19-25-28-30-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Huwag mong ipagdamot ang mga kakaibang ideya mo. Dahil marami ang aasenso dahil dito at ikaw ay pasasalamatan nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-24-26-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Habang papalamig nang papalamig ang simoy ng hangin, papaganda rin ng papaganda ang kapalaran mo. Walang kalaban-laban sa iyo ang mga kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-22-25-36-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, samantalahin mo ang mga araw. Tutukan mo ang iyong negosyo habang ang panahon ay nagbibigay ng magandang kita. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-20-21-25-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling nagbalik ang mga araw na kung saan lahat ng iyong mahawakan ay magiging ginto, na nagsasabing maaari kang yumaman mula sa iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-20-28-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Ngayon palang ay maghanda ka na para sa susunod na taong 2024. Ito ay dahil hindi mo maiiwasang maging mapagbigay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-23-38-39-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makulay ngayon ang iyong kapalaran. Mas lalo itong magiging makulay sa pagsapit ng kapaskuhan. Mag-ingat ka dahil marami ang nagkaka-interest sa iyo. Masuwerteng kukay-beige. Tips sa lotto-19-20-21-25-26-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Humingi ka ng tulong sa iyong pinagkakatiwalaan. Kahit malakas ang tao kailangan din niya ang kanyang kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-18-27-28-30-33.




Comments