top of page
INSIDER - JULIE ANNE, KUMANTA KUNG BAKIT HINIWALAYAN NG FIRST LOVE-IG _myjaps & _aldenrich

Horoscope | Hulyo 29, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 29, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 29, 2026 (Miyerkules): Bago mo paunlarin ang iba, unahin mo muna ang iyong sarili. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kunin mo ang magagandang sinasabi ng mga taong nakakausap mo. Gayunman, huwag mong tularan ang mga kilos na salungat sa mga lumalabas sa kanilang bibig. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-15-20-24-32.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong guluhin ang sarili mo dahil lang sa mga naririnig mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-19-27-33-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Humiwalay ka sa gusto ng iba na hindi mo naman gusto. Makabubuting lumayo ka sa ingay na wala namang direksiyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-20-25-31-43.


CANCER (June 21-July 22) - Bakit pipilitin mong maniwala ang taong ayaw namang maniwala? Masasayang lang ang mga paliwanag mo. Gawin mo ang gusto mo, at sa huli, siya na mismo ang uunawa sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-14-17-21-28-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bihira ang makapansin na sa mundong ito, ang kakaunti ang kaibigan ang mas umaasenso. Ngayong alam mo na ang isa sa mga lihim ng maunlad na buhay. Magbawas ka na ng mga kaibigang hindi mo naman talaga maaasahan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-24-32-37-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lahat ay nakararanas ng kabiguan, kaya sa totoo lang, hindi naman malaking isyu ang mabigo. Ang mahalaga ay tanggapin mo ang kabiguan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-19-26-34-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang iyong sarili kahit may ilang magtampo sa iyo. Ang mahalaga ay ang iyong kinabukasan kaysa sa ibang bagay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-8-16-29-35-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagniningning ang bituin sa dilim. Kaya bakit mo katatakutan ang dilim? Ngayon ang pagkakataon para maipakita mo ang iyong ningning dahil isa ka ring bituin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-14-23-30-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagkakaroon ang wala, at ang mayroon ay nawawalan. Alam mo ba kung saan ka r’yan? Ikaw ay nasa una at sa huli. Mawawalan ka, pero muli kang magkakaroon. At sa pagkakataong iyon, labis-labis na biyaya ang mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-21-28-36-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakagulat ang magiging kondisyon bago dumapo sa iyo ang malaking suwerte, dahil ipinahihiwatig nitong mabubuhay ka muna sa inis at lihim na galit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-23-31-35-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyo na ang araw na ito. Sa ayaw mo man o sa gusto, matutupad na ang mga kahilingan mo, at mapapasabi ka na lang ng katagang, "Ah, mahal pala talaga ako ng nasa Itaas. Biglang nagkatotoo ang dati kong mga hinihiling!" Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-13-20-25-40-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi dahilan ang taglamig o tag-ulan para hindi kumilos. Ang totoo, lalo kang dapat kumilos sa panahong malamig. Ito rin ang sikreto kapag tila nanlamig ang kapalaran ng isang tao. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-12-24-26-37-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page