top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 29, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 29, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 29, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 29, 2023 (Sabado): Huwag kang mag-alala kung may gawin man silang ‘di maganda laban sa iyo. Ito ang dahilan kung bakit pinagpapala ka ng langit.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ng awa, at ito ay hindi mo mapipigilan. Ito ang babala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto–9-18-20-23-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahina ka ngayon kaya mas mabuting lumayo ka muna sa mapagpilit at makukulit dahil wala kang magagawa kundi sila ay pagbigyan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-15-24-33-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali dahil ngayon mapapaniwala ka ng mga nagkukunwaring nangangailangan ng tulong, pero kung magmamarahan ka, matatauhan at hindi ka madadaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-29-30-36.


CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ang araw mo at ang iba pang mga araw na darating ay para rin sa iyo. Ang sinumang sumira sa diskarte mo ay ang langit mismo ang makakalaban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-24-39-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malayo sa iyo ang kinaiinisan mo. Ibig sabihin, mababa ang kanyang pagkatao, at dahil mas mataas ka sa kanya, mas magandang ‘wag mo na siyang patulan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-24-33-41-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mag-alala! May maagang regalo sa iyo ang langit. Ipagpatuloy mo ang pagtulong sa kapwa kahit na nangangailangan ka rin naman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-12-24-30-31-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maglakas-lakasan. Ang tagumpay ay nakasalalay sa mabuting pagpaplano. Ang kabiguan ay nagmumula sa kawalan ng paghahanda. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-20-27-35-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na inilaan sa iyo ng langit, ngunit hindi ka dapat magalit at mapikon, lalo na sa mga nakakainis mong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-21-24-28-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dapat matibay ang iyong loob. Masusubukan ka kung pagbibigyan mo ang mga kahilingan na iyo ng tinanggihan sa nagdaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-20-23-39-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ka dahil papayag kang madehado, lumigaya lang sila. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-15-19-25-27-35-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mangyayari ang inaasahan mo, pero higit sa inaasahan mo ang mangyayari. Ang pangyayari ay hindi sa kagustuhan mo, kundi sa kagustuhan ng langit. Kaya humanda ka sa malalaking sorpresa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-8-15-24-29-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na tila isang manganganak na ina, nakaungaong na ang iyong suwerte, ilalabas at aabutin mo na lang. Basta ang mahalaga sa panahong ito, hindi ka dapat na matakot kumilos. Sugod na! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-20-24-25-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page