top of page
Imee Marcos - FB.jpg

Horoscope | Hulyo 28, 2026 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 28, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 28, 2026 (Martes): Magpapatuloy ang magandang takbo ng buhay mo dahil kusa itong aayusin ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Idilat mo ang iyong mga mata upang makita mo ang mga pagkakamali ng ibang tao. Gayunman, huwag kang pakikialam upang ‘di masira ang masayang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-12-20-25-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Malakas ang kaba ng iyong dibdib ngayon. Ito ay dahil mabibigat at malalaki ang mga suwerteng darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-21-26-35-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpapatanggay sa kislap ng mga pangyayari. Mas maganda pa ring paghandaan ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-16-22-27-36-40.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong hayaang masira ang mga araw mo dahil lang sa kung anu-anong nababalitaan mo. Magtiwala ka sa iyong kapalaran dahil isa ka sa mga pinakamasuwerteng nilalang sa ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-23-28-33-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit mabawasan ka ng marami sa mga araw na ito, hindi mababawasan ang mga suwerte mo. Kikilos ang langit at lalo pang pararamihin ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-24-31-35-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sobra sa sapat ang mga suwerteng mapapasaiyo. Ibahagi mo sa iba ang hindi mo kailangan dahil sa ganitong paraan, gagawin kang daluyan ng mga biyaya ng langit. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-4-11-13-15-20-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit na masaya ka, ingatan mo pa rin ang iyong kalusugan dahil ang tunay na masaya ay ang walang problema sa kalusugan. Ito ang paalala ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-6-19-25-30-37-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bilangin mo ang mga biyayang kaloob ng langit dahil sa ganitong paraan, mas lalo ka pang pagpapalain. Huwag mong hayaang makasingit sa isip mo ang mga negatibong kaisipan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-3-10-16-18-28-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magbigay nang sobra upang hindi maabuso ang iyong kagandahang-loob. Hindi mo kailangang purihin o hangaan ng iba. Iyan ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-12-17-26-33-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Biglang dadapo sa iyo ang isang napakagandang kapalaran. Ito ang sorpresang regalo sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-2-13-24-29-36-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga namimintas sa iyo. Isaisip mo na noon pa man ay marami nang hayagang at palihim na naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-18-21-25-28-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang mga araw na may pagkakataon kang dagdagan ang paghahanda mo para sa iyong kinabukasan. Huwag mong sayangin ang mga magagandang oportunidad na dumarating. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-8-17-27-31-38-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page