top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hulyo 28, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 28, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 28, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 28, 2023 (Biyernes): Sisikat at hahangaan ka nila. Ito ang mensahe ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Uunahin mo ang ibang tao, kaya ang ilan sa mga mahal mo sa buhay ay magtatampo sa iyo. Huwag mong silang pansinin dahil ang pagpapahalaga sa kapwa ay isang puhunan upang mapaunlad mo ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-16-20-24-36-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasayahin mo ang kilala mong malulungkot. Ito ang sikreto upang buwenasin ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-24-30-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang manghinayang sa gagastusin mo sa iyong mga kaibigan. Ang kapalit nito ay ang mga suwerteng mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-19-22-23-42.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran ngayon. Ikaw ay bibigyan ng pribilehiyo na piliin ang gusto mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-9-14-16-27-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Natutuwa sa iyo ang langit dahil ibinabandera mo ang kanyang mga banal na aral. Dahil dito ginawa kang espesyal na kung sa langit ka hihilingin ng iyong mga kailangan, tiyak na hindi ka mabibigo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-13-21-23-35-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo ng maluwag sa iyong loob ang mga kaganapan. Ang lahat ng ito ay kailangang mangyari nang sa gayun mabigyan ng daan ang mga paparating mong suwerte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-17-25-28-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka susuko? Hayaan mo ang iyong mahal ang sumuko sa iyo. Balikan mo ang mga nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-15-18-26-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtampo kapag hindi sila tumupad sa kanilang pangako. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-14-18-20-23


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumuha ka ng isa at paramihin mo ito. Ito ay isabuhay mo, lalo na sa larangan ng pagnenegosyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-21-25-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makipagsapalaran ka at ikaw ay mananalo. Dapat mong maunawaan na dito sa mundo ang buhay ay isang pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-23-31-38-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit napipilitan ka lang, gawin mo ang ayaw mong gawin. Ito ang kakaibang pormula ng buhay mo na may mahiwagang epekto sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-20-23-25-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mag-alala, kung magkahalu-halo ang iyong mga gawain dahil lahat naman ng gawin mo ay magbubunga ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-15-17-21-34-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page