Horoscope | Hulyo 27, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 27, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 27, 2023 (Huwebes): Gamitin mo ang tapang at lakas ng iyong loob sa larangan ng pagnenegosyo. Tiyak na ikaw ay mapapabilang sa mga mayayaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ipinagkakaloob sa iyo ng langit ang pribilehiyo na kung ano ang gusto mong gawin ay magagawa mo. Hindi lahat ay pinagkakalooban ng ganito kaya marami ang nabibigo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-1-17-20-27-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglaan ang paglakas ng iyong loob, itutok mo sa pagpaparami ang iyong kinikita. Iwasan mong pakikipagtalo sa mga taong gumagawa sa iyo ng ‘di maganda. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-21-26-34-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon na ang pagkakataon para sabihin mo ang iyong mga gusto mong sabihin. Sabihin mo ito sa mahinahong paraan upang ika’y kanilang maintindihan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-20-21-24-36.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na parang nakuha muna ang iyong gusto. Tiyak na mapapasaiyo ito. Kapag nag-alinlangan ka, mabibigo ka lang. Muli, kumilos ka na parang hawak muna ang iyong gusto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-25-27-35-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na kinasiyahan ng langit ang lahat nang lakad at kilos mo. Kaya hindi ka dapat mag-alinlangan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-18-22-28-30-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lihim kang kumilos upang matupad mo ang iyong pangarap. Sa ganitong paraan, hindi mamamalayan ng mga kaaway mo at mga kontrabida sa buhay mo na malayo na pala ang iyong narating. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-19-20-25-27-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumikilos na ngayon ang mga kaaway mo para mabigo at mapahiya ka, pero kabaliktaran ang mangyayari dahil hindi ka mabibigo at sila pa mismo ang mapapahiya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-15-20-24-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magbawas ka ng mga kaibigan upang umasenso ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-28-30-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga sumasalungat sa iyo. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-28-20-21-25-27.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinahon ang kailangan mo ngayon. Iwasan mong magalit dahil noong ika’y nagalit, ikaw ay parang bulkan na sumasabog. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-20-22-25-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakaabang sa landas ng buhay mo ang mga taong handang bigyan ka ng masarap na buhay. Kaya ang nagsasabi sa iyo na wala kang pag-asa ay mapapahiya lamang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-15-18-21-24.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na dapat ay manindigan ka! Humahanga ang langit sa taong may paninindigan at siya ay pinagkakalooban ng malalaking suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-28-30-39-41.




Comments