top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 26, 2023 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 26, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 26, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 26, 2023 (Miyerkules): Unahin mo ang iyong mga nais. Ito ang araw na ipagkaloob sa iyo ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Titigas ang ulo mo, bago ito mangyari, itutok mo na ang iyong sarili sa pagpapaganda ng iyong kabuhayan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-23-39-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilalapit sa iyo ng langit ang taong makakatulong sa iyo. Iwasan mong mahulog ang loob mo sa kanya dahil pansamantala lang ang misyon niya sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-8-15-29-31-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Ipakita mo ang tibay ng loob mo at ipapakita sa iyo ng langit kung paano ka niya bibigyan ng premyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-22-26-34-37.


CANCER (June 21-July 22) - Habang sumasama ang loob mo lalo kang maninindigan. Sa biglang tingin, hindi ito maganda, pero sa ganitong bagay ka susuwertehin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-16-18-20-25.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pakinggan ang mga kumokontra sa kasalukuyang layunin mo sa buhay. Hindi ka nila nauunawaan. Huwag kang magalit, ituloy mo lang ang iyong nais mangyari. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-14-19-24-28-31.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iyo ang araw na ito, gawin mo anumang gusto mong gawin. Tinitiyak ko na mapapasakamay mo ang pinapangarap mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-3-35-39-43-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ikaw ang nakakaalam kung ano ang maganda at nakakabuti para sa iyo. Hindi ka nila dapat panghimasukan. Muli, ikaw lamang ang nakakakilala sa sarili mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-15-22-29-31-36.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malalaki ang mga pagsubok sa iyong harapan, ‘wag kang mag-alala dahil ang kapalit nito ay ang magagandang bagay na sa iyo ay nakalaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-19-20-29-30-31.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipakita mo ang pagiging tunay na katangian ng isang magaling at mabuting namumuno. Sa ganito paraan, magiging huwaran ka ng mga taong may pangarap din sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-27-28-30-31-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumikilos ang kapalaran mo para sa ikakaganda ng buhay mo. Kaya ang payo, tanggapin mo ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-23-29-30-33-37-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong isipin na hindi umaayon sa iyo ang mga kaganapan. Magtiwala ka sa iyong sarili. Ang magagandang kapalaran ay kumukuha ng malakas na buwelo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-13-20-27-41-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipakita mo na ikaw ay seryoso upang ang malalaking suwerte ay magsidapo sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-17-26-27-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page