top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 25, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 25, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 25, 2023 (Martes): Obligado kang maglakbay sa malalayong lugar dahil ito ang kondisyon na inilatag sa iyo upang gumanda ang iyong buhay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makakaisip ka ng mas magandang paraan para mas lalo mong mapalago ang iyong kabuhayan. Isagawa mo ito upang magtuluy-tuloy ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-20-25-27-34. TAURUS (Apr. 20-May 20) - Binabalaan ka na ang maliit na butil ng negatibong pananaw ay maaari mong paniwalaan. Ang anumang negatibong ideya ay hindi inaalagaan. Ito ay ibinabasura. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-28-30-33-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Maantala ang pagpapatupad mo sa iyong magandang plano, dahil tinatanggap mo ang mungkahi at opinyon na salungat sa nabuo mong plano. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-21-28-30-37-40-42.


CANCER (June 21-July 22) - Tama ang iyong kutob. Huwag mo nang hintayin pa ang dagdag na patunay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-18-29-36-45-46.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ibandera ang iyong mga suliranin. Ang ibandera mo ay ang plano mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-17-22-25-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin mo na hangga't maaga pa. Sa ganito paraan, kikilos ang mga pangyayari upang bigyan ka ng mga panibagong oportunidad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-15-27-30-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pahinga ang solusyon sa pagod na kaisipan. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-27-31-36-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang kilala mong may alam, sa kanya ka humingi ng payo, ‘wag kang maniniwala sa mga taong nagpapasikat lamang. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-17-21-28-30-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maraming kakaibang pananaw ang iyong madidinig, pero higit na mas maganda ito kaysa sa sarili mong diskarte. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-11-16-29-31-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Inuutusan ka ng iyong sarili na magpunta sa malayo. Ano pang hinihintay mo? Maglakbay ka na! Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-19-29-35-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapansin mo sa sarili mo na parang hindi ka mapakali. Ito ay malinaw na senyales na ang magagandang bagay ay magdadatingan na sa buhay mo.

Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-15-21-23-33-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Anuman ang i-plano mo, tiyak na ito ay matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-20-23-30-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page