Horoscope | Hulyo 24, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 24, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 24, 2026 (Biyernes): Ito ang araw na pagbibigyan ang hiling mo at diringgin ng langit ang iyong mga dalangin. Kaya hilingin at sabihin mo na ang mga nais mong makamit. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na na para bang nakuha mo na ang gustung-gusto mo. Ito ang sikreto para maisakatuparan mo ang iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-24-32-37-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ilalapit ka mismo ng langit sa taong bagay na bagay sa iyo. Mangyayari ito dahil nakita nitong sobra kang naduruwag at masyadong pinangingibabawan ng pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-22-30-38-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ka sa isang taong maganda sa paningin. Gayunman, wala namang masama roon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-14-20-25-33-45.
CANCER (June 21-July 22) - Napakalaking suwerte ang maaaring mapasaiyo. Mangyayari ito kapag hindi mo kinontra ang sarili mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-19-25-36-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumabas ka ngayon ng bahay o kaya'y mangibang-bansa, dahil nasa labas ang mga suwerte mo at nasa malayong lugar naman ang magagandang kapalaran na noon mo pa hinihintay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-21-28-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit hindi ka marunong umawit, umawit ka pa rin, lalo na ng masasayang awitin dahil isa itong mabisang panlaban sa malalim na kalungkutan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-20-24-33-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masasayang ang ginagawa mong pagsusumikap dahil mamumunga ito ng marami at matatamis na bunga. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-18-22-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magtagal sa mga natapos na, lalo na’t marami ka pang kailangang tapusin. Madalas na nasasayang ang oras ng tao dahil sobra siyang naaabala sa mga bagay na tapos na. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-13-15-28-32-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mainggit sa mga natamo ng iba at huwag ka ring mainis kung ikinukumpara ka sa kanila. Dahil ngayon na ang araw na magniningning ang iyong magandang kapalaran, at magugulat silang lahat sa mga biyayang bigla mong makakamit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-17-19-25-26-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nababalewala ang mga suwerte kapag hindi ito pinahahalagahan at sinasayang lamang sa mga walang saysay na pagpapasaya at paglalakwatsa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-18-30-36-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakakita ang naghahanap. Kaya ngayon mo na makikilala ang taong sagot sa iyong mga panalangin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-10-21-34-37-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka pa lalayo? Sa malayo ay sobra ang pagtitiis at sipag na kakailanganin mo, na kung dito mo rin naman gagawin ay maaari ka ring magkaroon ng maginhawang buhay. Ngunit nasa iyo pa rin ang pagpapasya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-8-13-20-24-41.



Comments