Horoscope | Hulyo 24, 2025 (Huwebes)
- BULGAR
- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 24, 2025

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 24, 2025 (Huwebes): Kung ano ang maganda, iyon ang ibibigay sa iyo ng kapalaran mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipaubaya mo sa langit ang mga pangyayari, makakaasa ka na papabor sa mga kagustuhan mo ang ikot ng mundo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-19-22-29-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Tatabi lahat ang mga taong kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-3-14-20-26-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang nanghihingi sa iyo ng paliwanag. Kumilos ka ayon sa iyong paniniwala. At sa huli, mauunawaan ng lahat na ikaw pala ang tama at sila ang mali. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-23-25-37-43.
CANCER (June 21-July 22) - Nag-aabang sa iyo ngayon ang pagbabago. Ang lahat ay magbabago, na parang tag-araw na susundan ng tag-ulan. Sa ganitong pabagu-bagong panahon at sitwasyon, magtutubuan ang mga bagong halaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-7-13-26-39-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gaganda pa ang buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-21-25-27-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babagsak ang kompiyansa mo sa iyong sarili, pero may biglang darating na magbabalik ng tiwala mo. Siya ay tiyak na magtatagal sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-18-24-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakasingit ang ulan kahit pa tag-araw. Gayunpaman, may makakasingit pa rin na mga kontrabida kahit pa mahigpit ang pagtanggi mo sa mga gusto mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-14-27-34-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi lahat ay nakukuha sa biglaan. Tulad ngayon, ang pagganda ng kapalaran mo ay dahan-dahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-19-22-30-35-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalik ang dating ganda ng isang lugar ‘pag pinagsikapang alisin ang dahilan ng pagpangit nito. Babalik ang dating galing at husay mo. Ang mahalaga mong gawin ngayon ay alisin ang mga pangit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-17-20-27-36-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malakas ang hatak sa iyo ng hangarin mong mag-abroad. Bagama’t nag-aalala ka na parang natatakot, wala ka namang magagawa dahil ikaw ay tiyak na makakapag-abroad pa rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-24-31-33-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Para kang masayang hangin sa maalinsangan panahon. Marami ang gustong dumikit sa iyo, kaya mag-ingat kang mabuti, dahil marami sa kanila ang balak kang gamitin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-23-25-32-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito, at ang marami pang mga araw na darating. Ang payo ng iyong kapalaran ay huwag mong kalimutan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-18-29-38-41.
Comments