Horoscope | Hulyo 24, 2023 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 24, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 24, 2023 (Lunes): Kumikilos ang iyong kapalaran upang lalo pang gumanda ang iyong kalagayan. Ang mga suwerte ay mag-uunahan dumapo sa iyo!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka makakaiwas sa mga magandang katangian, panlabas man o panloob na kaanyuan. ‘Wag mong akalain na ito ay tukso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-23-37-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka makikinabang, doon ka! Sa ganitong paraan matatapos ang iyong pagsasakripisyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-15-18-23-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ilabas mo ang itinatago mong magandang katangian. Hindi maganda kung para kang isang sasakyan na may reserbang gulong, pero hindi naman nagagamit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-10-19-20-24-28.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbabalik ang malakas mong karisma na puwedeng tawaging gayuma. Mag-ingat ka, dahil kahit ang mga walang karapatan ay maghahangad na maging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-13-18-25-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magbigay ka ng saya dahil ito ang susi sa kung paano mo mas mapapaunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-19-21-25-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pasayahin mo ang iyong sarili, bakit yayakapin mo ang kalungkutan at mga negatibong pananaw? Sa pagpapasaya, gaganda ang iyong buhay. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-17-25-29-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nag-uunahan ang mga suwerte na dumapo sa iyo. Alisin mo ang pag-aalinlangan dahil may tsansang layuan ka ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-15-17-22-24.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) -Bakit ka matatakot na makipagsapalaran? Ang buhay ay pakikipagsapalaran, kaya dapat sumugal ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-19-20-24-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ibahagi mo ang iyong kaalaman. Hindi lamang sa materyal na bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-21-27-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan may saya, doon ka. Dahil kapag masaya ang tao, gumaganda rin ang takbo ng kanyang buhay. Kung saan may lungkot, lumayo ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-26-31-33-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakaaakit ang iyong mga kilos. Kahit kumilos ka na may lungkot sa iyong mukha, maaakit mo pa rin ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-21-25-31-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ‘pag nasa labas ka. Samantalang hihina naman ang iyong katawan ‘pag masyado kang matagal sa loob ng inyong tahanan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-17-20-25-28-34.




Hi po, gusto ko po sana manghingi ng gabay sa kapalaran ko. Paano po?