Horoscope | Hulyo 23, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 23, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 23, 2026 (Huwebes): Masasayang kaganapan ang mapapasaiyo. Sa biglang tingin, ito’y maganda, pero ang labis na kasiyahan ay maaaring maging sanhi ng kawalan ng paghahanda sa hinaharap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Limitahan mo lang ang mga kilos mo at ang mas magandang pagtuunan mo ay ang pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-18-20-24-27.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tumulong ka sa nangangailangan. Gayunman, hindi magandang tulungan ang mga taong hindi naman humihingi ng tulong. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-19-22-26-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Paghandaan ang kinabukasan. Ang mga biglaang pagpapasya at pagkilos ay nagsasabing walang paghahandang ginawa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-9-16-23-33-42.
CANCER (June 21-July 22) - Silipin mo ang mga puwedeng mangyari. Sa ganitong paraan, maaga mong maiiwasan ang mga hindi magagandang kaganapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-12-14-25-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka dapat mapabilang sa mga labis ang tiwala sa sarili. Sa araw na ito at sa iba pang araw na darating, ilagay mo sa isip na ang labis na tiwala sa sarili’y magpapahamak sa marami. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-21-27-30-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinuhusgahan ang tao sa kung ano ang mga katangiang madalas niyang maipakita. Kaya ang payo sa iyo ay sumama ka sa mga may sinasabi upang makita mo kung ano ang mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-24-34-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sabihin mo ang katuwiran mo. Hindi na mahalaga kung maniwala man sila o hindi. Ang mahalaga ay nailalabas mo ang laman ng kanyang isip at damdamin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-17-28-31-38-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang matagal na preparasyon ay higit na mabuti. Dahil ito ay umaayon sa batas ng tagumpay na ang ibayong paghahanda ang susi sa maligaya at masaganang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto: 05-15-25-29-33-35.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Kung ano ang kailangan mo, iyon ang gawan mo ng paraan. Ang hindi mo naman talaga kailangan, huwag nang pag-aksayahan pa ng oras. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-14-20-35-37-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi masama ang magsabi ng kung ano ang gusto. Pero ang hindi maganda ay kapag pagalit at masakit sa tainga ang boses. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-3-19-23-30-34-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iwasan mong mapaniwala ang isang tao na kaya mong gawin ang hindi mo naman kaya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-9-13-21-28-31-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka dapat panghimasukan ng ibang tao sa iyong pagdedesisyon. Ikaw ang may hawak ng iyong kapalaran at hindi ang mga mahilig mangialam. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-7-10-15-22-35-43.



Comments