Horoscope | Hulyo 23, 2025 (Miyerkules)
- BULGAR
- 3 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 23, 2025

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 23, 2025 (Miyerkules): Mabilis ang galaw ng kapalaran mo. Kaya limitahan mo ang pagpaplano, dahil ang pinakamagandang gawin ngayon ay sakyan lang nang sakyan ang agos ng kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magagandang oportunidad ang iyong mararanasan. Kaya itakwil mo na ang mga pangit na katangian mo para ‘di ito masayang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-10-15-20-23-28.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagkikislapan ang mga pangyayari sa buhay mo. Gayunpaman, huwag kang magpapasilaw. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-18-24-30-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung wala kang gagawin para umunlad, wala ka rin mapapala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-25-32-35-41.
CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka. Marami ang magtatangkang paniwalain ka sa mabilis na pagkita ng pera. Gayunpaman, ‘wag na ‘wag mo silang paniniwalaan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-21-30-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ito ang araw ng pag-aalinlangan, dahil ngayon ang araw upang kunin ang mga bagay na noon ay kinatatakutan mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-19-22-26-34-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masuwerte ang araw na ito para sa mabilisang proyekto. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-20-23-28-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang mga bagay na may kaugnayan sa kabuhayan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-21-27-35-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sakyan mo lang ang mga kaganapan sa iyong buhay. Habang ginagawa mo ito, ‘wag mong kalimutan ang mga taong nakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-16-24-32-39-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumikilos ang kapalaran mo ngayon upang magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-22-26-31-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maaakit ka ngayon na magsimula muli ng proyekto, at ngayon na rin babalik ang mga araw na kikita ka ng maganda. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-11-19-21-28-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gusto mo bang muling gumana ang mga suwerte mo? Sundin mo ang payo na huwag manatili sa iisang lugar. Ano pang hinihintay mo? Sundin mo na ito! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-14-25-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magplano ka at bilisan mo ang pagpapatupad ng iyong mga plano. Ito ang susi para sa tuluy-tuloy mong pag-unlad at pag-asenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-13-20-27-33-42.
Comments