Horoscope | Hulyo 22, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 22, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 22, 2026 (Miyerkules): Huwag mong katakutan ang iyong mga kaaway, dahil ang lihim na katotohanan ay nagsasabing sila ang dapat matakot kapag ikaw ang naging kaaway nila.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19 - Kahit pa makakapal ang ulap, ang liwanag ay naghihintay lang. Kaya hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-19-24-32-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manindigan ka para magbago ang iyong kapalaran. Ito ang pangako sa iyo ng langit kapag hindi ka natinag at nanatili kang matibay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-27.
GEMINI (May 21-June 20) - Bilisan mo pa ang iyong mga kilos upang hindi makasingit ang pag-aalinlangan. Pero kung babagal-bagal ka, makikita mo ang katotohanan na sa pag-aalinlangan, nabibigo ang tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-29-35-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat matalo ng pangamba, pag-aalala, at negatibong kaisipan, lalo na't paganda na nang paganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-25-30-34-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy na iikot ang kamay ng orasan. Kaya huwag kang magpaiwan. Hindi ka dapat manatili sa kalungkutan, lalo na’t maraming magagandang bagay ang naghihintay sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-15-21-23-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbabala ang iyong kapalaran na kapag pinansin mo ang mga palakontra sa buhay mo, babagal ang iyong pag-asenso. Ituon mo ang iyong sarili sa mga dati mo nang binuong plano sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-20-27-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papasok sa iyong kapalaran ang isang kaganapan na sa huli ay sasabihin mong ito na pala ang simula ng katuparan ng iyong malalaking ambisyon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-17-22-28-33-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naiiwan ang mabagal, kaya huwag kang bagal-bagal. Maraming biyaya ang natatanggap ng mga nauuna at hindi napag-iiwanan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-18-25-30-35.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Walang magandang hinaharap ang mga taong natatakot sa dilim, habang ang mga taong buo ang loob, agad nilang natutuklasan ang tamang daan tungo sa maginhawang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-20-26-39-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapapalaban ka sa isang makulit na ayaw magpatalo. Gayunman, makikitang nakikibagay ka rin sa kanyang mga kakulitan. Ito ang hiwaga ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-25-28-33-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung paano mo iniisip ang lungkot at mga suliranin sa buhay, tila kabaligtaran ang magiging takbo ng mga pangyayari. Habang ang negatibo mong pananaw at pakiramdam ay sunud-sunod na suwerte naman ang biglang darating. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-19-21-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong pansinin ang maiingay na wala namang alam. Marami ang magdudunung-dunungan at aasta na mas magaling sila. Gayunman, huwag mong bigyan ng panahon ang mga ganitong tao dahil sisirain lang nila ang araw mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-27-31-36-45.



Comments