top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 22, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 22, 2023


Sa may kaarawan ngayon: Ibuhos mo ang iyong lakas at talino para sa sarili mong pag-asenso. Huwag kang magpapagamit sa iba, unahin ang iyong kinabukasan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magparaya ka! Dahil sa huli may mas malalaking suwerte ang mapapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-23-28-35-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang maniwala sa ipapayo sa iyo na tapatan mo ang galit ang mga taong may lihim na galit sa iyo. Mas magandang isabuhay na ang pag-ibig ang itapat sa mga taong galit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-21-25-26-34-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Magtanim ka ng magagandang bagay para sa taong dumating sa iyong buhay. Kapag ginawa mo ito, may aanihin kang mapapakinabangan mo para sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-26-29-30-31-39.


CANCER (June 21-July 22) - Sasaya ka sa mga araw na ito at sasaya rin ang mga taong malalapit sa iyo. Ang mga kalungkutan ay magsisisalisan sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-24-26-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gamitin mo ang kakayahang taglay ng bawat tao. Ibig sabihin, tingan mo ang mga pakinabang at ang papakinabangan mo sa hinaharap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-18-20-24-25.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamumunga ang iyong mga pagsisikap. Kaya ituloy mo lang ang iyong pagtitiyaga habang positibo mong hinaharap ang mga araw na darating. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-22-26-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Totoong kapag naghahanap ay may makikita pero sa iyo ang totoo rin na kahit hindi ka maghanap ikaw ay kusang lalapitan ng mga taong may magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-18-21-28-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong hayaan na manghimasok sa iyo ang nagkukunwaring mas marunong kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-18-25-26-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mamuhunan ka. Hindi sa negosyo kundi sa pakikisama sa mga tao. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-20-21-25-27.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pilitin ang ayaw. Masasayang lang ang iyong mga araw. Mahalin mo ang mga nasa tabi mo na hindi ka iniiwan at laging nakahandang unawain ang iyong kahinaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-17-28-30-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Layuan mo ang taong hindi ka masakyan. Layuan mo rin ang mga makita mo pa lang ay naiinis ka na. Hindi magiging maganda ang mga araw mo kapag sila ang makakasama mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-16-18-29-30-39-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magdalawang-isip. Ngayon mo kailangan ang matibay na paninindigan. Ang pag-aalinlangan ay nagdadala ng masaklap na kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-17-21-24-44.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page