Horoscope | Hulyo 21, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 3 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 21, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 21, 2026 (Martes): Huwag kang matakot at mangamba, dahil nakaalalay sa iyo ang langit hanggang sa ganap na umasenso at umunlad ang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tuluy-tuloy pa rin ang dating ng mga suwerte mo kahit may mga nakakasagupa kang problema. At dahil matibay ang iyong loob, ikaw pa rin ang tiyak na magtatagumpay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-19-24-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na ginawa para sa iyo ng langit. Kaya anuman ang iyong iniisip at hinihiling, naririnig ka Niya, kaya ito ay daglian at agad na magkakatotoo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-17-20-31-33-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Hindi makakasingit ang mga lihim na nagnanais na mabigo ka. Sa katunayan, sila ang makakaranas ng masaklap at masakit na kabiguan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-25-28-30-32.
CANCER (June 21-July 22) - Ingatan mong masira ang iyong personalidad. Kung ano ang sinabi mo, iyon ang gawin mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-16-27-34-37-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang sarili mo, dahil paano ka makakatulong sa mga gusto mong tulungan kung hindi mo papaunlarin ang sarili mo? Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-12-24-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ihanda mo ang sarili mo dahil ang malalaking suwerte ay darating na sa iyo. Masasayang ang lahat kung hindi ka magsisinop. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-17-26-32-35-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay. Ikaw ay kukupas, kaya lang ang kakaibang regalo sa iyo ng langit ay muling mananariwa ang sigla ng iyong kapalaran. At kapag tuluyang nanariwa ang sigla ng iyong kapalaran, mas maraming hitik na suwerte ang aanihin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-13-19-22-31-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakapipinsala sa tao ang biglang pagbabago ng araw-araw na takbo ng kanyang buhay. Inirerekomenda na dahan-dahan mo na lang baguhin ang iyong mga aktibidad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-21-25-37-45.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Iyo na ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Kaya huwag mong lagyan pa ng kung anu-anong dekorasyon ang mga dasal at samot-saring dalangin mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-6-18-28-33-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isip ang paganahin mo ngayon. Ito ang susi ng iyong panalo laban sa hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-24-27-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mo gamitin ang mga natutunan mong aral sa buhay upang hindi ka mabigo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-15-20-29-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka nang may kumpiyansa sa sarili para mailang ang iyong mga karibal, at para ma-realize nila na mahirap kang pabagsakin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-23-30-32-36.



Comments