top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hulyo 21, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 21, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 21, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 21, 2023 (Biyernes); Maaabot mo anumang pangarapin mo. Ito ang kahulugan ng araw na iyong kapanganakan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang diskarte mo. Nasa tama ang iyong ginagawa. Kung may magsabi man sa iyo ng ibang paraan, huwag kang maniniwala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-19-20-23-36-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang matakot na makipagsapalaran, dahil dito tayo magkakaroon ng malaking kabuhayan. Muli, huwag kang matakot na makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-29-30-35-42-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Pangarapin mong mas tumaas ang iyong kalagayan. Huwag mong palagpasin ang mga araw na nagbibigay sa iyo ng napakagandang pagkakataon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-20-25-31-36.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang masyadong magmadali dahil ang mga gusto mong mangyari ay mapapasaiyo sa pamamagitan ng paghihintay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-19-22-24-37-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong sayangin ang lakas mo sa mga walang kuwentang bagay, tumutok ka sa pagpaparami ng iyong kabuhayan upang ang iyong kinabukasan ay maging matatag. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-26-27-37-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmadali ka, ang bawat araw ay mahalaga! Ito rin ay nagsasabing susulong ang buhay mo kung ikaw ay kikilos. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-26-28-30-31-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Panoorin mo ang mga nagsisikap na kapag isinabuhay mo ang lahat sa paligid mo, magugulat ka sa biglang paglago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-1-16-21-28-38-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Habang tahimik mong ginagawa ang proyekto mo, magdadatingan ang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-23-28-33-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pagdamutan ang iyong sarili. Ang ganitong pormula ang magdadala sa iyo sa pagpapaunlad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-26-27-38-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mamahinga ka, kapag nanariwa ang lakas mo muling kang sumabak sa pagpaparami ng kita. Ang pamamahinga ay mahalaga sa iyo kaya isingit mo ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-21-25-26-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag napansin mong nalulungkot ka, gumawa ka ng paraan upang sumaya ka. H’wag kang papayag na ang kalungkutan ang maghari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-28-30-33-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hamunin mo ang pinakamahigpit mong kalaban ngayon, dahil nakakatiyak ako na ikaw ang mananalo ngayon! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-25-27-30-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page