top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Horoscope | Hulyo 20, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 days ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 20, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 20, 2026 (Lunes): Malakas ang iyong pandama. Hindi pa man nagsasalita ang iyong kaharap, nababasa at nalalaman mo na ang kanyang motibo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahina ka ngayon. Sinasabing ang tao ay mahina kapag siya ay tinatalo ng kanyang emosyon. Kaya kung ayaw mong maging mahina, matuto kang kontrolin ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-19-20-24-39-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Namumuo sa puso mo ang hindi mo maipaliwanag na lungkot. Gayunman, labanan mo ito! Makinig ka sa masasayang musika at puwede ka ring makipagkuwentuhan sa mga taong masayahin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-22-28-30-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagtatalo ngayon ang isip at puso mo. Alam mo kung sino ang mananaig? Sino pa nga ba, eh ‘di tulad lang din ng dati, puso ang iyong susundin, pero sa huli ay pakikinggan mo rin ang iyong isip. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-25-31-37-42.


CANCER (June 21-July 22) - Iyo na ang araw na ito at maging ang mga darating pang araw. Hindi rin makakaporma ang mga naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-29-33-36-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagiging negatibo ka na naman. Kaya makabubuting balikan mo ang iyong mga nakaraang tagumpay upang malampasan mo ang malalaking hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-21-27-32-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - May isang tao na nag-aakalang maiisahan ka niya. Pero ang mangyayari, siya ang iyong maiisahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-28-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapalad ang nagbibigay. Sa pagiging mapagbigay, dumarating ang mga kakaibang regalo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-24-34-37-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kusang mawawala, na parang madidilim na ulap na natunaw ang mga alalahanin mo sa buhay. Kaya muling sisikat, tulad ng haring araw ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-22-25-30-43.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Masaya ang nakatutulong, pero sobrang nakakainis kapag ang tinulungan ay nakalimot na may tumulong sa kanya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-12-27-31-38-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Labanan mo ang takot. Totoo ang sabi na ang takot ay nasa isip lamang, kaya madali itong talunin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-18-24-29-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang agos ng buhay, dahil dadalhin ka nito sa lugar kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-17-26-35-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Naghahanda na ang langit ng isang malaking suwerte para sa iyo. Ihanda mo ang iyong sarili at itapon ang mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-7-12-31-36-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page