Horoscope | Hulyo 20, 2023 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 20, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 20, 2023 (Huwebes): Pinagpala ka ng kalangitan dahil sa iyong kabutihang loob. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng garantiya na hindi ka pababayaan ng dakilang lumikha.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lalong sinusuwerte ang mapagbigay. Isabuhay mo ito upang sagayun ‘di ka iwan ng mga suwerte na nagdadatingan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-14-29-39-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Ang maliit at malalaking suwerte ay para sa iyo. Kahit kuntento ka na, patuloy pa ring dadagsa sa buhay mo ang nakakatuwa at nakakaaliw na mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-21-25-30-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala at huwag ka ring manghinayang sa mga suwerteng lumagpas sa iyong mga kamay. Ibinabalita ng iyong kapalaran na magbabalik sila para ikaw ay lumigaya. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-8-11-20-30-32-41.
CANCER (June 21-July 22) - Maiiyak ka sa mga araw na ito. Hindi dahil sa mga hindi magagandang kaganapan kundi dahil sa mga sorpresang inihanda ng butihing langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-1-17-20-26-28-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ubusin ang lakas mo. Ireserba mo ito sa mga araw na mas kailangan mo. Nagdadatingan pa lang ang mga hamon ng iyong kapalaran na ang premyo ay mas malalaking tagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-19-20-24-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Patuloy ang pagdating sa iyo ng masasaya at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-20-28-30-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong magalit sa araw na ito. Dahil ang mga suwerte ay nagsisiatrasan kapag ang isang tao ay may galit sa puso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-20-36-37-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Harapin mo ang mga araw na walang pag-aalinlangan at kawalan ng tiwala sa sarili, dahil kahit kailan walang magandang idudulot ito sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-8-11-15-27-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Panatilihin mo ang kababaang loob mo. Dahil ang magagandang kapalaran ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-19-26-32-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, papalakas nang palakas ang iyong mga suwerte. Ihanda mo ang iyong sarili, isabuhay mo ang pagiging positibo at ang pagkakaroon ng tiwala sa iyong sariling kakayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-17-29-30-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na magdadatingan ang iba pang mga suwerteng inilaaan sa iyo ng kalangitan. Ang mga ayaw mo at nagbibigay sa iyo ng lungkot ay aalisin ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-16-28-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang tanging araw na inilaan sa iyo, kaya anuman ang hilingin mo, tiyak na mangyayari at magkakatotoo. Hiling na! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-27-31-36-45.




Comments