top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Hulyo 18, 2023 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 18, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 18, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 18, 2023 (Martes): Gamitin mo iyong tapang sa larangan ng pagnenegosyo. Sa ganitong paraan, tiyak na ika'y mapapabilang sa mga taong yayaman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo ang kapalaran mo ngayon. Samantalahin mo ang pribilehiyong ito na bibihirang ipagkaloob sa tao. Ito rin ay nagsasabing ang iyong tagumpay at kabiguan ay nasa sa iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-18-20-25-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simulan mong tahakin ang landas ng iyong tagumpay. Huwag kang maduwag. Ngayon na ang pagkakataon mo para maabot mo ang iyong mga pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-20-23-30-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Ingatan mong makalagpas ang ilang mahahalagang oportunidad na magpapaunlad sa iyong buhay. Talasan mo ang iyong isip at pakiramdam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto- 19-24-29-30-32-28

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat maging emosyonal kapag ang pagpapaunlad sa sarili ang nakataya. Ito ang gawin mong gabay sa buhay. Ito rin ang magsisilbing susi mo sa iyong pagpapayaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-20-26-30-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magbigay ka upang makatanggap ka ng malaking biyaya. Ito ang pangako ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-17-20-26-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghintay ka ng tamang panahon. Nalalapit na ang mga araw na magdadagsaan sa iyo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-9-15-17-28-30.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ikabahala ang mga pangyayaring sa tingin mo ay nahihirapan kang unawain. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-9-20-21-37-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpatuloy ka! Huwag kang aatras. Ang pangarap mong magandang kapalaran ay madadaanan mo habang tinatahak mo ang landas ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-14-20-23-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagkukulay tagumpay ang gawa ng iyong mga kamay. Ganundin, ang mga likha ng iyong kaisipan, puwede ka nang magdiwang dahil ang mga kagustuhan mo ay mapapasaiyo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-28-29-30-31-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sinisilip ka ng mga suwerte sa iyong paligid, 'pag natagpuan mo ito 'wag mong sayangin ang biyaya at pagpapala. Masuweerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-16-18-27-28-30-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumihis ka ng landas sa iyong kinawilihang buhay. Sa pagbabago ng iyong prayoridad ang malalaking suwerte ay mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-20-21-25-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ikilos mo ang mga kamay mo. Ibig sabihin, maging abala ka. Kahit ang iyong pinagkakaabalahan ay walang kuwenta. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-18-25-27-30.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page