top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hulyo 17, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 17, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 17, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 17, 2023 (Lunes): Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo, kaya kailangan mo maging matibay at matatag dahil ang malalaking suwerte ay masasayang kapag mahina ang pagbibigyan nito.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag hindi mo kaya huwag mong pilitin ang iyong sarili. Magpalakas ka upang kayanin mo ang mga 'di mo kinaya dati. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-19-20-23-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Reregaluhan ka ngayon ng langit na magagamit mo sa mga gusto mong proyekto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-25-31-32-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Tapusin mo ang mga ginagawa mo ngayon. Ito ang paalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-19-20-39-40-45.


CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka na para bang walang problema. Magugulat ka dahil maglalaho ang iyong mga problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa mga araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-19-24-25-34-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sukatin mo ang pagkatao ng mga gustong maging bahagi ka ng buhay nila, dahil hindi na dapat pang magbalik ang nakaraan na ikaw ay sobrang nagtiwala sa iyong akala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-17-24-26-31-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mong nagsasaya ang iba habang ikaw naman ay magplano ka para sa iyong kinabukasan. Kapag nasunod mo ang payo na ito, iiwanan mo nang miya-milya ang iyong mga kakompitensya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-26-31-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka dapat na mainip! Habang naghihintay ka maging positibo ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-25-237-35-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang pahahalata na mahina ka, magkunwari kang malakas upang magsilayasan sa harapan mo ang mga taong nagsasamantala sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-14-18-21-24-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na inilaan sa iyo ng kapalaran. Mag isip ka ng pagkakaperahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-12-14-23-31-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-uunahan ang magagandang kapalaran na dadapo sa iyo. Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-22-26-37-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Harapin mo ang mga pagsubok, makikita mo, ikaw ang mananalo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-25-27-39-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa tukso. Ang tukso ay sumisira ng buhay at ang inspirasyon ay nagpapaganda ng kapalaran. Ito ang gawin mong batayan upang hindi ka maligaw at mapahamak. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-23-28-32-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page