top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI

Horoscope | Hulyo 16, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 16
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 16, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 16, 2026 (Huwebes): Uunlad ang buhay mo at tuluyan kang yayaman, lalo na kung makikipagsapalaran ka sa mga bagong ideya. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madali kang mapaniwala ngayon. Kaya umiwas ka sa mga umaastang maraming alam. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-18-24-26-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka magkakamali kapag sinunod mo ang unang plano. Kaya kahit pa may magagandang ideya kang naririnig, mas mabuting magbingi-bingihan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-13-15-20-32-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Nasa kamay mo na ang tagumpay. Mahirap mang paniwalaan, wala sa iyong isip ang sikreto para makuha mo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-25-28-34-42.


CANCER (June 21-July 22) - Isang hakbang paatras at sundan mo agad ng dalawang hakbang pasulong. Ito ang isabuhay mo dahil ito ang susi para maabot mo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-16-19-27-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Bumababa ang nasa itaas. Ito ay batas ng uniberso na kailangan mong maunawaan. Panatilihin mong hindi ka sumagad sa itaas at alalayan mo lang ang tinatamasa mong ganda ng buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-17-22-29-31-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masamang magtanong. Ang masama ay ‘yung nagtatanong ka, pero naghihintay ng pagkakamali mula sa sasagot. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-16-21-30-37-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kaya ng tao na matukoy kung ano ang mabuti at kung ano ang masama. Kaya hindi ka maliligaw sa pagpapasyang makakabuti para sa buhay mo at para sa iyong pamilya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-15-17-26-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon mo na isabuhay ang mga natutunan mo mula sa mga sinasabi ng mga eksperto. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-18-20-24-39-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasaksihan mo ngayon ang katotohanang bawal husgahan ang kapwa, dahil ang manghuhusga ay makikita mong siya mismo ang huhusgahan ng langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-23-31-36-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagiging mataas na bundok ang mga naipong alikabok. Kaya ang payo ay mag-ipon ka. Ang pag-iipong ito ay isang makabuluhang bagay na mag-aangat sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-15-22-27-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lahat ay may kani-kanyang kahinaan. Pagtiyagaan mong alamin ang kahinaan ng umaastang siya ay malakas at ang gusto ay lagi kang maniwala sa kanya. Ituloy mo lang ang dati mong plano at balak na nasa isip mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-13-19-26-30-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na sasabay sa pamumulaklak ng mga halaman sa kapaligiran ang iyong suwerte at magagandang kapalaran. Kaya gawin mo na lahat ng gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-21-29-32-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page