Horoscope | Hulyo 16, 2025 (Miyerkules)
- BULGAR
- 10 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 16, 2025

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 16, 2025 (Miyerkules): Mahahanap mo na ang mga suwerte mo sa malayong lugar. Kaya mag-abroad ka na ngayon!
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang araw na ito para lubusan mong mapakinabangan ang iyong talino. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-19-24-29-35-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humingi ka ng payo sa mga nagtagumpay. Ito ang susi upang sumakses ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-9-15-22-37-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hawakan mong mabuti ang iyong sarili, dahil may babala na ikaw mismo ang posibleng dumaya sa sarili mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-20-22-27-34.
CANCER (June 21-July 22) - Magpapatuloy ang malakas mong karisma, kaya hindi lang tao ang maaakit mo, dahil ngayong tag-ulan, maaari mo ring maakit ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-28-30-32-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lalawak ang mundo mo ngayon. Kasabay nu’n ay may magsasabi sa iyo na ikaw ang mundo niya, at dahil sa kanya, mas bibigat ang responsibilidad mo. Gayunpaman, kering-keri mo pa rin naman ito! Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-24-26-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi sapat na marami kang nalalaman sa problemang kinakaharap mo ngayon, subalit sapat na ang kakayahan mong dagdagan ang mga ideyang may malaking maitutulong sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-25-28-33-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang nakaalalay sa iyo, kaya hindi ka gaanong maaapektuhan ng mga problemang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-10-15-18-23-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakamasid sa iyo ang langit kahit pa mawalan ka ng pag-asa. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-13-22-27-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malabo kang matangay ng mga pagkakamali, dahil sa dami ng naipon mong karanasan, maitatama mo pa rin ang pagkakamali mo hanggang sa tuluyang kang lumigaya at umunlad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-21-25-31-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag ka basta-bastang maniniwala sa madali at walang hirap na kita. Hayaan mo silang magdusa sa magiging resulta ng kanilang mabilisang paghahangad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-14-17-26-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madali kang mabibihag ng mga mandaraya. Para makaiwas, pakinggan mo ang mga taong mahal mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-23-35-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Para sa iyo, wala namang huli, dahil hindi naman talaga nagwawakas ang mga pangyayaring ayaw mo pang matapos, at ang nakakatuwa pa, bukod sa maaayos mo ang lahat, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang bubuhos sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-20-24-33-34.
Comments