top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 14, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 14, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 14, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 14, 2023 (Biyernes): Yayaman ka sa pagnenegosyo. Ito ang dinidikta sa iyo ng kapalaran dahilan kung bakit hindi ka magtatagal sa iyong pamamasukan. Muli sa negosyo ka yayaman.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magdahan-dahan ka. Huwag kang magmadali. Sa pagiging marahan nakikita ang dapat makita upang maiwasan ang mga pagkakamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-11-24-31-35-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong iwasan ang mga hamon ng iyong kapalaran, tandaan mo ang may lakas ng loob ang laging nagtatagumpay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-10-18-20-25-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi makakabuti sa iyo ang pagbabalik sa nakaraan. Ito ay isang pagsasayang lamang ng oras. Harapin mo ang bukas, dahil ang bukas ang iyong hinaharap. Masuwerteng kulay-yellow.Tips sa lotto-4-11-13-22-30-44.


CANCER (June 21-July 22) -Alisin mo ang pagdududa dahil hindi umaabante ang buhay ng taong laging nagdududa. Kumilos ka nang kumilos. Ito ngayon ang kailangan mong gawin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-11-15-23-31-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Isabuhay mo ang tuluy-tuloy na pagsisikap. Ang ibig sabihin, ipakita mo na ikaw ay seryoso sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-21-27-31-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Yakapin mo ang malinis na layunin kahit pa alam mo na may pagkakamali ka sa buhay mo. Sa pagyakap mo, muling mananariwa ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-beige.Tips sa lotto-14-18-20-28-30-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung hindi ka masaya, umalis ka na. Kapag nagtatagal ang kalungkutan ng tao ay puwedeng dapuan ng karamdaman. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-22-25-33-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ka iyon ang iyong ipakita. Dahil sa pagkukunwari ang tao ay umaani ng masaklap na kabiguan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-16-24-26-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ipon ka ng lakas dahil mahaharap ka sa maraming mga gawain. Huwag mong akalain na kakayanin mo ang mga responsibilidad na nakaatang sa iyo kahit hindi ka mamahinga. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-17-20-21-26.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matatapos mo nang mabilis ang mga gawain kung hindi ka magpapatulong. Kung magpapatulong ka, mas matatagalan ka pa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-25-26-38-40-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Para sa iyo ang araw na ito at ang ilan pang mga araw na darating ay sa iyo pa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-27-30-36-40-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) -Huwag kang titigil dahil ayon sa iyong kapalaran ang tinatahak mong landas ay nakaharap sa katuparan ng iyong malalaking ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-11-15-17-20-23.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page