top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

Horoscope | Hulyo 14, 2026 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 14, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngyaong Hulyo 14, 2026 (Martes): Negosyo ang magpapayaman sa iyo. Kaya magnegosyo ka na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilisan mo at huwag kang babagal-bagal. Hindi ngayon ang panahon para sa matagalang pagpaplano. Bagkus, ngayon ang tamang araw para kumita nang malaki. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-19-28-30-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hintayin mong dumapo sa iyong pisngi ang malamig na simoy ng hangin. Ito mismo ang nagsasabing dumating na ang mga masuwerteng araw. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-12-26-31-33-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong bigyang-pansin ang gumugulo sa diskarte mo. Ituloy mo lang ang mga plano mo. Mas mainam kung hahabaan mo ang iyong pasensya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-18-20-27-36.


CANCER (June 21-July 22) - Pahinga ang kailangan ng isip at katawan. Gawin mo ito at makikita mo na ang mga bagay na ayaw mo ay nagiging maganda na. Magkakaroon ka ng malalaking pakinabang, malalaking suwerte, at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-14-21-28-39-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mainit na malamig—ito ang tawag sa kapalaran mo ngayon. Nag-aalab ang ningas ng iyong sigasig, pero nanlalamig ka sa pagpapakita ng matatamis na pagkilos sa mahal mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-19-26-33-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kusang lalapit ang mga suwerte mo. Ang masayang balita ay nagsasabing hindi pinahahalagahan ng langit ang mga hindi magagandang katangiang naghahari sa iyo. Ibig sabihin, kahit hindi gaanong kagandahan ang iyong pagkatao, patuloy ka pa ring dadatnan ng suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-20-28-37-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mamili ng makakasama dahil hindi naman mahalaga kung ano o sino ang mga madidikit sa iyo. Ang importante ay ang may kasama ka, kahit sino pa siya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-22-36-39-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malambot ang damdamin mo, pero ang masayang balita ay nagsasabing ang nagkukunwaring matapang at malakas ang loob ay magiging bahagi ng buhay mo, at kayo ay aasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-18-23-25-34-40.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Kunin mo ang gusto mo. Ito mismo ang magsisilbing pampasuwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-10-13-26-31-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi hinihintay na mahulog ang matamis at hinog na bunga mula sa sanga. Akyatin mo ang pangarap mo upang hindi ka mabigo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-17-21-32-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo nang habulin ang mga bagay na hindi mo naman na makukuha. Tandaan mo, ang sa iyo ay sa iyo, at hindi mo na kailangan pang pahirapan ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-9-14-28-35-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Atras-abante ang higit na makakakuha ng malalaking suwerte, dahil sa pag-atras ay nakakapag-isip ka kung ano ang mas mabuting gawin, at pagkatapos ay umabante ka na. Sa ganyang paraan, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong makukuha. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-15-22-30-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page