Horoscope | Hulyo 13, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 13, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 13, 2022 (Miyerkules): Masuwerte ka at tiyak na uunlad ang buhay mo. Iwasan mong makialam sa buhay ng iba, bagkus, unahin mo ang iyong sariling kapakanan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasayahin mo ang iyong kapwa at pasasayahin ka ng langit. Ito ang sikreto ng kapalaran mo kung saan puwedeng magdagsaan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-23-24-38-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumabas ka ng bahay, kahit hindi ka lumayo. Ito ang sikreto ng kapalaran mo nang sa gayun ay matanggal ang mga negatibong puwersa na sumasaiyo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-10-15-16-23-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Dadapo sa iyo ang mga suwerte kapag ikaw ay natagpuang tahimik at hindi abala. Noon pa gustong dumapo sa iyo ng mga suwerte, pero sobrang aktibo ka at magulo ang lahat ng aspeto ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-18-21-28-34.
CANCER (June 21-July 22) - Magsisimula nang mawala ang hindi magagandang pangyayari na iyong nararanasan. Ito rin ay nagsasabi na ang mga bagong kapalaran ay guguhit na sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-14-16-21-24-28.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit tag-ulan, nakakasingit pa rin ang sikat ng Haring Araw. Ito mismo ang nangyayari sa buhay mo na kahit marami kang suliranin, susuwertehin ka pa rin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-25-28-34-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Isaayos mo ang iyong mga plano, bigyan mo ng bagong larawan at itugma mo sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Ito ang sikreto ng kapalaran para sa iyong kaunlaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-19-29-30-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwede na hindi ka kikilos kahit nasa loob ka lang ng bahay. Maghanap ka ng magagawa. Maging aktibo ka dahil sa ganitong paraan, magtutuloy-tuloy ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-20-24-32-38-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumukupas ang lahat sa mundo. Sa biglang tingin, ito ay isang hindi magandang balita, pero para sa iyo, kukupas ang mga pangyayaring nagpapahirap sa buhay mo hanggang ito ay tuluyang mawala at maglaho sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-17-28-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit abala ka, magplano ka. Hindi naman katawan ang kailangan sa pagbuo ng plano. Ang mabubuo mong plano ang magdadala sa iyo ng kakaibang mga suwerte. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-13-18-23-36-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit medyo malungkot ang pamamalagi sa bahay, ito ay magpapalakas sa iyong mga suwerte na magagamit mo sa mga sandaling nakataya ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-24-27-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makinig ka ng masasayang musika at mahimalang magdaratingan sa halos lahat ng aspeto ng iyong buhay ang mga suwerte. Ito ang sikreto ng kapalaran para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-21-26-31-34-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipag-ugnayan ka sa mga nasa malayo. Marami at magagandang bagay ang mapasasaiyo at matatanaw mo ang katuparan ng iyong malalaking pangarap. Hindi ka dapat mag-aksaya ng panahon, gawin mo na ito ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-20-21-24-33.




Comments