Horoscope | Hulyo 12, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 12, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 12, 2023 (Miyerkules): Marami ang mananamantala sa iyong kabaitan pero ang langit ay ‘di ka kakalimutang pagkalooban ng mga biyaya at pagpapala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang tatalunin ng iyong emosyon. Makakagawa ka ng mga bagay na labag sa iyong mga plano. Hindi ka magsisisi dahil ang iyong pag-unlad ay magtutuluy-tuloy pa rin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-20-24-30-34
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pakinggan mo ang bulong ng iyong damdamin. Kahit ito ay hindi pinapaboran ng iyong isip. Ang kaligayahan ay nagmumula sa puso, at hindi sa isip. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-25-28-35-39-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Pakinggan mo ang mga mungkahi sa iyo. Malaki ang maitutulong ng mga payo ng ibang tao para sa ikagaganda ng iyong mga proyekto. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-21-24-32-38.
CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Ibig sabihin, ang iyong kabiguan at tagumpay ay nakasalalay mismo sa iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-19-20-28-30-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung saan ka sasaya, ro'n ka! Huwag mong yakapin ang pag-iisa dahil ang lungkot ay iyo ring mayayakap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-24-41-44-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makibahagi ka sa masasayang pagtitipun-tipon kahit na hindi mo ito gustong gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-20-29-31-38-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukupas ang ganda ng mga bulaklak, gayundin ang kislap ng isang bagay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-19-24-25-34
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lalapit sa iyo ang mga suwerte, pero hihingi muna ito sa iyo ng tulong. Kapag ito'y iyong pinagbigyan, daragsa sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-25-27-30-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makibahagi ka sa pagbuo ng plano kung paano pasasayahin ang mga tao. Huwag mong ipagdamot ang mga kakaiba at nakamamanghang ideya mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-26-28-30-33.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mahalaga kung makikinabang ka, ang mas mahalaga ay mabigyan mo ng saya ang mga malalapit sa iyong puso. Sa ganitong paraan, sisigla at manunumbalik ang mga suwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-21-22-23-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magbabalik sa iyo ang ayaw mong magbalik, ngunit wala kang magagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-14-15-21-27.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo salungatin ang agos ng mga pangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-16-17-29-39.




Comments