top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 11, 2023 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 11, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 11, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 11, 2023 (Martes): Gamitin mo ang iyong kakayahan para sa sarili mong kapakanan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mamuhunan ka, ibig sabihin sumugal ka sa kapalaran mo. Huwag kang mangamba dahil ang panalo ay para sa iyo. Kahit kailan, hindi umuunlad ang mga taong takot makipagsapalaran sa buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-22-25-39-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng iyong mga nakakaharap. Hindi lahat ng maganda ang porma ay may pakinabang. At hindi rin lahat nang nagsasalita ng maganda ay may kuwenta. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-20-21-27-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan para sa iyo. Manalangin at humiling ka, tiyak na ito ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto- 11-18-21-24-33-34.


CANCER (June 21-July 22) - Tumaya ka, ayon sa iyong kapalaran. Ang munting taya mo ay mananalo ng malaki. At ito rin ay may kahulugan na ang maliliit na kilos ay magbubunga ng malalaking pakinabang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-20-21-29-30.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tanggapin mo ang binigay na pagkakataon para sa iyo. Tulad ng dati na hindi ka umaangal ang malalaking bagay ay sa iyo parin mapupunta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-11-13-18-30-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Inuutusan ka ng langit na magplano at magbalak. Binabasbasan ng nasa itaas ang araw na ito, kaya ito ang katangi-tanging araw na ang mga binalak mo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-21-23-28-30-35-46.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda, ito ang para sa iyo. Ito ay isang patunay na ikaw ay nabubuhay sa kagandahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-18-22-27-31-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Talunin mo ang mabibigat na pagsubok, upang muli mong matalo ang mga hamon ng kapalaran na ilalagay sa iyong harapan. Ito ang regalo sa iyo ng langit dahil sa iyong kabutihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-24-28-30-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hanapin ang wala, sa halip dapat mong salubungin ang mga paparating na magagandang pagkakataon na may kaugnayan sa katuparan ng malalaking ambisyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-16-17-20-21-24-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Salubungin mo ang araw na may ngiti sa iyong mga mata at labi. Magsaya at magdiwang ka dahil ang magagandang kaganapan ay guguhit sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-24-25-36-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hinahanap ka ng mga suwerteng inutusan ng langit na magsidapo sa iyo. Kahit saan ka magpunta, hahanapin ka nila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-16-20-22-26-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mabibigo ang umaasa, habang ang nagsasabing wala ng pag-asa ang siyang papalarin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-21-27-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page