Horoscope | Hulyo 10, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- Jul 10
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 10, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 10, 2026 (Biyernes): Kumilos ka nang kumilos upang gumanda ang kinabukasan mo. Makikita mo, makakaani ka ng matatamis na bunga dahil sa iyong pagsusumikap. Hindi ka matutulad sa iba na nagsikap pero wala namang napala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasasayahin ka ng iyong kapalaran dahil nakita ka nitong seryoso. Sa pagiging masaya, mas maraming suwerte ang mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-18-22-28-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagsisimula na ang mabilisang pagbabago ng iyong kapalaran, kung saan makikitang ikaw ay sobrang natutuwa dahil sa biglang pagganda ng iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-13-25-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Pasayahin mo ang sarili mo kasama ang mga malalapit sa iyo. Huwag mong kakaligtaan na ang magagandang kapalaran ay mula mismo sa masaya mong personalidad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-21-23-37-43.
CANCER (June 21-July 22) - Magandang malaman mo na ang araw na ito at ang mga araw pang darating ay para sa pagsasaya. Ibig sabihin, kung sino ang masaya, siya ang bubuwenasin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-20-25-29-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang manghinayang kung sakaling mawala sa iyo ang taong tinulungan mo, dahil langit mismo ang gaganti sa iyo at kikilos para mas dumami ang iyong mga biyaya. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-1-16-23-26-31-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magkulong sa loob ng bahay upang marami at malalaking suwerte ang mapasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-19-22-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang paborito mong kasuotan kahit nasa loob o labas ka man ng bahay. Ito mismo ang pampasuwerte mo na nagsasabing dadagsa sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-15-24-27-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, lumayo ka sa mga taong malulungkutin upang ‘di mag-atrasan ang iyong mga suwerte. Tandaan, ang saya at suwerte ay iisa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-21-25-39-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maging tapat ka sa sarili mo. Aminin mo na ang mga materyal na bagay ang tunay na nagbibigay sa iyo ng kaligayahan. Sa ganitong paraan, mas lalo pang darami ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-18-26-28-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ano ang mas pinapahalagahan mo ngayon, kaibigan o karelasyon? Ayon sa iyong kapalaran, ang una ang dapat mong bigyan ng importansya dahil sa kanila ka mas liligaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-18-20-29-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka nang masaya. Sa ganitong paraan, mas darami ang iyong suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-13-23-33-37-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sasalubungin ka ngayon ng iyong mga suwerte, at kasabay nu’n ay ang paglayo ng mga taong puro kamalasan lamang ang hatid sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-19-28-31-44.



Comments