top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 10, 2023 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 10, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 10, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 10, 2023 (Lunes): Napabilang ka sa mga iilan na kung tawagin ay mga pinagpala. Magkaganunman, ikaw ay pinapayuhan pa rin na maging masinop sa iyong mga biyaya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magbawas ka ng mga aktibidad upang hindi ka masyadong mahirapan. Kapag maginhawa ang tao at siya ay nakakapagpahinga mas nakakaisip siya nang mas magandang ideya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-29-34-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bigyang saya mo ang iyong sarili. Mas magandang mamasyal kasama ang ilang malalapit sa iyo. Ito na mismo ang pagkakataon mo para maging masaya sa piling nila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-17-21-25-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Ituloy mo ang mga nauna mong plano. Hindi mo na kailangan bumuo pa ng bago. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-16-17-20-25-33.

CANCER (June 21-July 22) - Pakikipagkaibigan ang ibinabalita ng mga araw ngayon. Bigyang halaga mo ang mga bago, dati at mga kasalukuyang mong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-22-27-35-44.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maaasahan ang mga tunay na kaibigan. Kaya hindi ka nag-iisa, may mga puwedeng umalalay sa iyo at handa kang samahan sa laban ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-28-29-31-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang masyadong mag-isip ng kung anu-ano. Mas magandang ikilos mo ang iyong katawan, dahil sa pagkilos ang isip ay hindi gaanong gumagana. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-14-28-30-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung saan ka madadalian o kung saan ka hindi mahihirapan iyon mismo ang iyong piliin. Ang tao ay nasa mundo hindi para maghirap, kundi para magpakasaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-23-27-35-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibinabalita ng mga araw na ito na ang mga lihim na humahanga sa iyo ay magsisilantad na at handa ng alalayan ka ng espesyal na pagtingin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-4-16-22-26-31.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghanda ka, may mga paparating na malalaking suwerte sa buhay mo. Ang paghahanda ay ang pag-alis ng mga kahinaan at kapintasan upang hindi masayang ang mga biyaya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-22-26-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) -Ibahagi mo sa iba ang ayaw mo na gamitin pero naging paborito mo. Malaki ang magagawa nito sa iyong pagbibigyan dahil magsisilbing pampasuwerte nila ang mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-13-15-25-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nananatili ang hangin sa isang lugar. Dahil ang saya ay nakukuha sa iba't ibang mga pakikipagsapalaran. Kaya ang payo sa iyo, lakasan mo ang iyong loob at makipagsapalaran ka. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-11-19-20-21-24.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na sadyang inilaan para sa iyo. Magplano at mangarap ka! Anumang pangarapin at iplano mo ay tiyak na matutupad. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-18-29-30-33.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page