top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 1, 2023 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 1, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 1, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 1, 2023 (Sabado): Unahin mong i-angat ang iyong sarili. Sa ganitong paraan matutulungan mo ang mga mahal mo sa buhay, gayundin ang iba pang gusto mong tulungan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pananahimik ang sagot sa walang hinto mong pagsasalita. ‘Wag ka na lang kumibo. Bukod sa mapapayapa ka dahil sa hindi mo pagkibo, ang kaharap mong makulit ay kusang aalis. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-18-20-24-30-35


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bakit hihingi ka ng tulong? Hindi ka mahina! Maraming beses mo nang nagawa ang isang mahirap na bagay na ikaw lang mag-isa. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-19-23-24-38-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Maghanap ka ng pagkakataon para maisingit mo ang iyong gusto. Huwag ka masyadong mapilit. Magandang pagkakataon lang naman ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-14-16-24-27.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi puwedeng sabay-sabay mong aalalayan ang mga nangangailangan. Kapag ginawa mo ito, sa bandang huli, mapapabilang ka sa kanila. Ito ang babala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-11-16-21-26-35-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pagaanin mo ang iyong buhay at gaganda ang takbo ng kapalaran mo. Ang mga alam mong pabigat lang sa iyo ay alisin at burahin mo sa listahan ng malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-21-24-28-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagtatago sa masayahing kuwento ang lungkot. Ito ang tunay na larawan ng iyong makakakuwentuhan. Gayunman, alamin mo ang malalim niyang problema. Kapag natulungan mo siya, papasok ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-13-28-31-32-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumakapit nang mahigpit ang sobra kung umibig. Hindi maganda ang sobra, maghanap ka ng paraan para tuluyan ka nang makawala. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-22-27-29-30.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nananariwa ang kapalaran kapag hinayaang mawala ang mga dapat mawala. Huwag mong habulin ang mga wala namang magandang naidulot sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-19-21-23-26-28.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Limitahan mo ang iyong mga kilos. Kung ano lang ang talagang kailangan, ‘yun muna ang dapat mong tutukan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-18-22-27-28-30.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pagbigyan mo ang makulit, pero dapat ay may hangganan. Ang hangganan ay kapag pangit na ang kinabukasan, ito ay hindi dapat pinagbibigyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-18-21-24-28-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag kinabahan ka, hindi magiging maganda ang resulta. Dati nang nangyari ito sa iyo, na ang kaba mo ay senyales ng pangit na karanasan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-19-21-23-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi nawawala ang mga kontrabida sa buhay. Mag-ingat ka! Madalas nagkukunwari silang mga tunay na kaibigan at nagmamalasakit, pero ang totoo, sila ang tatraydor at magpapahamak sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-17-23-25-40-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page