top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Horoscope | February 27, 2022 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 27, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 27, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 27, 2022 (Linggo): Nananatiling buo ang loob mo kahit hindi mo naitutuloy ang iyong mga kagustuhan. Dahil dito, nananatili ang tsansa na magtagumpay ka sa buhay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Nakaalalay sa iyo ng mga bituin at maging ang langit ay handang alalayan ka sa anumang pangangailangan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-20-24-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mahalaga kung nag-aalinlangan ka dahil ang importante ay humakbang ka kahit paisa-isa at pahinto-hinto. Sapat na ang mga ito upang mapasakamay mo ang suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-8-17-24-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Humingi ka muna ng payo. Mag-ipon ka rin ng sapat na kaalaman para magbigay sa iyo ng yaman at kasaganaan ang iyong pangarap na negosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-22-27-30-33.


CANCER (June 21-July 22) - Kahit medyo masama ang loob mo, hindi makagaganda sa iyo kung makakagalit mo ang iyong karelasyon. Ang mga suwerte ay dumarating sa taong may mababang kalooban at may malawak na pang-unawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-15-24-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang ipinukol, ito mismo ang bumabalik. Kaya dapat mag-ingat ang mga inggit na inggit sa iyo dahil magbabalikan sa kanila ang mga kasinungalingan at imbentong kuwento na ginagawa nila sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-13-20-23-36-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tutok ang kailangan mo. Hindi tumatama ang bala sa target kapag kulang sa konsentrasyon. Hindi ka dapat maapektuhan ng mga naririnig mo — pangit man o maganda ang mga ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-26-29-34-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Walang kuwenta ang mga salitang hindi kapupulutan ng mga aral sa buhay. Ganundin ang mga kilos mo na parang wala ring direksiyon at kapakinabangang mapapala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-11-17-28-30-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Namumunga ba ng mansanas ang puno ng ubas? Siyempre, hindi! Kung ano ang uugaliin at ikikilos mo, ‘yun ang mapupunta sa iyo. Dahil dito, sikapin mong isabuhay ang magandang ugali at gawi. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-10-15-16-29-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ganito ang sabi, huwag kang kumuha ng bato na ipupukpok mo sa iyong ulo. Suriin mong mabuti ang katangian ng mga taong gusto mong maging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-25-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang napapala ang mahina ang loob at alam mo ito, kaya labanan mo ang iyong takot at pag-aalinlangan. Wala kang dapat gawin kundi ang maging matapang dahil ang matapang lang ang may karapatang magtagumpay. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-8-14-19-21-28-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag galaw nang galaw, mahirap tamaan. Ito ang inaangal ng mga gusto kang makuha dahil hindi maunawaan kung ano’ng gusto mo dahil ikaw ay pabago-bago ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-10-15-29-33-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag malakas sa una, maiiwanan ang kakumpitensiya. Kapag namalaging malakas at masigla, hindi na makakahabol ang mga karibal mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-25-29-30-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page