Horoscope | February 26, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 26, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 26, 2022 (Sabado): Napakaraming malalaking suwerte na nakalaaan sa iyo, pero sa iba napupunta dahil tila ipinamimigay mo. Mas magandang asikasuhin mo ang sarili mong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo ang iyong mga suwerte kaya aangat ka nang husto. Habang umaangat ka, kumilos ka pa nang sa gayun ay maiwan mo nang milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-20-25-34-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Alagaan mong mabuti ang paborito mong halaman sa hardin na iyong napapabayaan na. Sa ganitong paraan, magdadatingan ang suwerte at magagandang kapalaran sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-19-24-29-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Isuot mo ang lumang kuwintas mo, pero ibalik mo muna ang kanyang kislap. Ibig sabihin, linisin at pagandahin mo muna bago mo isuot dahil ito ang pinakamabisa mong pampasuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-28-32-43.
CANCER (June 21-July 22) - Pakinggan mo ang sinasabi ng iyong kutob at malalayo ka sa hindi magagandang bagay, pero ang mga suwerte ay kusang maglalapitan sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-3-15-16-27-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap paniwalaan, pero ang pampasuwerte mo sa araw na ito ay ang sikat ng araw sa umaga. Lumabas ka ng bahay at magpasikat sa ilalim ng init ng araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-21-27-37-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hadlangan mo ang utos ng iyong isip. Para magawa mo ito, ikilos mo ang iyong katawan na nakatuon sa mga dati mong plano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-11-14-23-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bagong damit ang iyong pampasuwerte. Hindi mahalaga kung mamahalin o mura lang ito dahil ang pinakaimportante, ito ay bago. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-28-31-35-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manahimik ka. Kung puwede, mga ilang minuto na hindi ka dapat kumibo. Ito ang pampasuwerte mo ngayon na nagsasabing, kapag tahimik ka, ang magagandang kapalaran ay darating sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-25-27-32-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang nasabi mo, gawin mo. Ang pagbabago ng isip ay hindi makabubuti para sa iyo. Ito rin ay magdadala sa iyo sa mas maraming suliranin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-20-23-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang sinasabi ng kapalaran mo ngayon na kapag tingin ka nang tingin sa orasan, ang naggagandahang bagay ay magdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-17-29-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala, sa halip ay matuwa ka kapag bigla mong binago ang iyong pasya. Ito ay dahil magbabago rin ang takbo ng iyong kapalaran papunta sa lalo pang pagganda nito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-15-23-33-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na nasa bahay ka lang. Mamasyal ka kahit wala kang dalang malaking halaga. Mamasyal ka lang, ito ang kailangan mo para magdatingan sa iyo ang mga suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-21-27-25-32.




Comments