top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | February 20, 2022 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 20, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 20, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 20, 2022 (Linggo): Iaangat ka ng langit dahil ikaw ay may mababang kalooban. Ang kasaganaan at kayamanan ay regalo dahil sa iyong kakaibang kabaitan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumukupas ang lahat ng bagay, pero ang iyong kasiglahan ay kumikinang. Ito ang dahilan kaya lalong lumalaki ang mundong iyong ginagalawan, gayundin ang mga suwerte na iyong matatanggap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-16-19-20-26.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ang langit ay nasa panig mo. Kumilos ka nang may positibong pananaw. Ang mga kontrabida ay hindi makakapaniwala na magagawa mo ang hindi nila kayang gawin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-25-28-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Makipag-ayos ka sa nagpapasakit ng ulo mo. Hindi dahil ikaw ay kanilang tinalo kundi dahil kailangang lagpasan mo sila nang sa gayun ay umabante nang husto ang buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-17-20-21-24-27.

CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang mangyayari. Ito ay dahil langit mismo ang kikilos para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-8-15-26-31-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Sukatin mo ang bawat makaharap mo. May ilan na sa biglang tingin ay may sinasabi, pero ang totoo, wala ka namang mapapala sa kanila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-14-16-22-29-30-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mababa ang loob mo ngayon. Ang nagkukunwaring nakakaawa ay kaaawaan mo. Pero ang totoo, kahit alam mong siya ay manloloko, tutulungan mo pa rin siya. Ito ay mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-23-25-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kailangan mong magdesisyon para sa iyong sarili. Hindi na dapat maulit na iba ang nagpapasya sa buhay mo. Muli, kailangan mong magpasya para sa iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-14-29-33-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumalakas ang mahina at ang malakas ay humihina. Ikaw ay kabilang sa nasa una. Lalakas ka hanggang sa lubusang matupad mo ang iyong malalaking pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-19-29-30-36-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalik ang umalis. Paulit-ulit itong nagaganap sa mundo ng pag-ibig. Ihanda mo ang iyong sarili sa muling pagbabalik ng isang minsa’y naging bahagi ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-21-28-32-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling magpapakita ng ningning ang iyong bituin. Marami ang masisilaw at lihim na maiinggit sa sunod-sunod na suwerteng ibubuhos sa iyo ng langit sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-20-25-30-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi magsasawa ang langit na bigyan ka ng pagkakataong magkaroon ng masarap na buhay kahit madalas ay matigas ang ulo mo at mali-mali ang pasya mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-27-39-40-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang susuko sa malaki mong pangarap. Gawin mo ang kaya mo at sa huli, ‘pag hindi mo ito nakuha dahil sa sobrang laki, maganda pa rin ang napasakamay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-19-21-25-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page