top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Horoscope | February 16, 2022 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 16, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 16, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 16, 2022 (Miyerkules): Hindi ka mauubusan ng magagandang ideya, kaya wala kang katwiran kung bakit hindi uunlad ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napansin mo ba, hindi naman pala talaga nakakatakot ang mga negatibong balita sa mga nakaraang araw? Dahil dito, ituloy mo lang ang iyong mga plano sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-19-20-27-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iniingatan ka ng langit, kung saan ang mga hadlang sa landas ng iyong buhay ay hindi naman nakakaapekto sa mga pagsisikap mong maabot ang iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-18-21-24-26-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Kung iisipin mo, ang mga pagsubok ay para lang panakot sa mga ibon, na sa totoo lang ay humahamon sa iyo kung ikaw ba ay may sapat na lakas ng loob. Anuman ang iyong ginagawa, magpatuloy ka dahil nagpasya ang langit na ang malalaking suwerte ay ipagkakaloob sa mga matapang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-16-21-28-30-35.


CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo ang gusto mong gawin kahit may pag-aalinlangan ka. Ang mahalaga ay magawa mo ang mga unang hakbang para sa maunlad na buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-22-29-31-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Madaragdagan ang magagandang ideya na naglalabas-pasok sa isipan mo. Kaya marami kang puwedeng pagpilian na sa totoo lang, kahit ano ang iyong isabuhay ay aasenso ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-26-27-36-39-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bago mo simulan ang proyektong gustong-gusto mo, magtanong ka muna sa mga may alam at karanasan. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang mga pangit na naranasan ng iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-23-27-39-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Humugot ka ng lakas ng loob at tapang sa mga taong dati nang nagtagumpay. Ito ang sikreto upang matalo mo ang napakalakas na puwersang gustong magpabagsak sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-12-28-31-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magplano ka at dapat ang plano mo ay para sa mahabang panahon. Dumating na ang tamang pagkakataon para maiguhit ang mga gusto mong mangyari sa hinaharap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-17-28-30-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magparaya ka. Ito ang susi upang maayos ang gusot. Sa pagpaparaya, tatakbo nang maganda ang mga pangyayari na para bang wala namang naganap na hindi pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-13-14-25-39-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakinggan mo ang mga payo ng malalapit sa buhay mo. Higit nilang alam kung ano ang makabubuti para sa iyo. Ang tigas ng iyong kalooban ay huwag mo nang pairalin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-19-21-25-28-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo at magpakalayo-layo, ito ba ang nasa isip mo? Huwag muna dahil ang mas maganda ay bigyan ng isa pang pagkakataon na maayos ang mga problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-16-25-39-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tinangay ng malalakas na hangin ang mga nagbabantang problema, kaya mawawala ang iyong mga pangamba. Ito ang panahon na nagsasabing, gawin mo na ang gusto mong gawin at ipagkakaloob sa iyo ng langit ang tagumpay. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-10-15-21-24-28-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page