top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | February 12, 2022 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 12, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 12, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 12, 2022 (Sabado): Ibinabalita ng iyong kapalaran na nagsisimula na ang mga araw na ikaw ay magiging mapalad. Pahalagahan mo ang mga biyaya na mapasasaiyo upang lalo itong madoble at dumami.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paangat pa nang paangat ang kapalaran mo kahit tila may hindi magagandang nagaganap sa iyong kapaligiran. Huwag mo munang pansinin ang mga nagaganap, sa halip, magpatuloy ka dahil paparating na ang mas marami pang suwerte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ididikit ka ng langit sa mga taong puwedeng makatulong sa iyong pangarap. Huwag mo itong ayawan at pansinin kung sakaling may matagpuan kang kahinaan sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-21-25-26-34-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Papalago nang papalago ang iyong kaban-yaman kahit hindi mo makontrol ang iyong sarili sa paggastos sa mga walang kuwentang aktibidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-12-18-26-39-42.


CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo ngayon dahil ang nagmamahal sa iyo na mahal na mahal mo rin ang iyong pampasuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-16-22-23-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi dapat mamatay ang ningas ng iyong sigasig dahil sa mga hindi magagandang ipinakikita sa iyo ng kapwa mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-19-25-33-38-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ilabas mo ang isa sa iyong koleksyon ng mga lumang gamit na gumagana pa. Linisin at gamitin mo dahil ito mismo ang magsisilbi mong pampasuwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-19-22-25-31.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapatalo sa mga problema dahil kung babalikan mo ang nakaraan, sinusuwerte ka kapag masaya ka kahit maraming gumugulo sa iyong isipan ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-25-28-30-36-40-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manindigan ka dahil kapag matibay ang iyong paninindigan, ang magagandang kapalaran ay mahahatak mo. Gayundin, ang ilang suwerte ng iba ay malilipat sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-23-37-40-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mailang sa mapoporma dahil hanggang du’n lang sila. Ituloy mo ang iyong diskarte at makikita mo na ang iyong kagustuhan ang nangyayari at ikaw ang mananaig. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-26-32-35-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ipakita mo ang matagal mo nang itinatagong galing at husay. Pansamantala mong labanan ang iyong pagiging mahiyain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-14-25-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bilis ang magbibigay sa iyo ng maraming suwerte, kaya ang pag-aalinlangan ay hindi dapat makasingit sa mga plano mo. Kumilos ka nang kumilos dahil sa ganyang paraan, kikilos din ang langit at dadalhan ka ng umaapaw at napakaraming suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-26-28-30-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Marami ang nakasandal sa iyo kaya mabigat ang takbo ng kapalaran mo. Lumayo ka muna nang sa gayun ay magkaroon ka ng kalayaan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-17-22-28-32.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page